KABANATA 3

80.3K 1.1K 38
                                    

Alexa's P.O.V.

"Wow pare, tiba-tiba tayo. Ang ganda! May kaunting mga pilat, pero makinis." Sabi ng lalaking kalbo. Maitim ang balat nito. May mga tato ito sa magkabilang braso.

'Yun ang una kong narinig nang magbalik ang ako sa huwisyo. Iginala ko ang mga mata ko. Nadiskubre kong nakagapos ang mga paa't kamay ko sa papag na kinahihigaan ko.

Tiningnan ko and paligid. Tila nasa isang luma at abandonadong kubo kami. Butas-butas na kasi ang mga bubungan nito. Sira-sira na rin ang mga bintana at dingdig.

"Hello mahal na prinsesa, gising ka na pala!" Sabi ng isa sa apat na kalalakihang mukhang...high na high sa droga. Singkit ang mga mata nito, mahaba ang buhok--hanggang balikat, at may bigote at kaunting balbas.

"Hayan, gising na. Umpisahan na ang pag-ayuda!" Sabi ng ikatlong lalaki, na naka clean-cut, may hitsura at mistisuhin, pero mukha ring adik.

Naghalakhakan silang lahat.

"A-anong gagawin n'yo sa 'kin?" Kinakabahan na ako. Lalo't nakagapos ang mga paa at kamay ko sa apat na sulok ng matigas na papag na iyon.

"Uy... mukhang manlalaban pa yata ito mga pare. Ito ang mga type ko. Yung pinipilit!" Sabi naman ng ikatlo. Kulot ang buhok nito at payat ang pangangatawan. Wala itong suot pang-itaas, kaya kitang-kita ko ang mga samo't saring tato sa katawan nito. Pinakakapansin-pansin naman ang ulo ng elepante na nasa kaliwag dibdib nito.

"O sinong gustong mauna?" Anunsyo ng mestisuhin, na mukhang lider-lideran nila.

"Ako!" Sabi no'ng kalbo.

"Ako!" Sabi naman no'ng singkit.

"Ako dapat!" Sabi no'ng kulot.

"Ah! Mga leche kayo, ako na nga. Ako na ang mauuna!" Sabi ng Mestiso. Inuumpisahan na nitong tanggalin ang sariling sinturon at pantalon.

Natatantya kong hindi na mga bata ang mga ito. Nasa edad trenta'y singko hanggang kuwarta'y singko na marahil ang mga kalalakihang ito.

Natatakot man, hindi ko na tinanong kung ano ang plano nilang gawin. Obvious naman kasi na magagahasa na naman ako. Ano pa nga ba ang bago sa buhay ko? Parati namang ganito. Hindi na rin ako umiyak. Natatakot man, manhid na ako para magpakita pa ng emosyon.

Masama pa rin ang pakiramdam ko. Nahihilo pa rin ako sa pagkakahampas ni kuya Rob sa ulo ko. Kung manlalaban pa ako sa mga kalalakihang ito, magsasayang lamang ako ng natitirang lakas ako. Ano pa ba naman kasi ang magagawa ko sa apat na 'to? Do'n nga sa isa, wala akong nagawa. Sa apat pa kaya?

Handa na sana akong magpaubaya nang biglang nagsalita ang kalbo.

"Alam mo, parang may kamukha siya." Anito. Tiningnan nito ang mga kasama n'yang tila napapa-isip rin. Maging ang mestisong handa nang kumubabaw sa 'kin, sinipat din muna ang mukha ko. "Oo! Alam ko na mga pards!" Sabi ulit ng kalbo. "Naalala n'yo ba yung na-iskoran natin no'n? Yung magkapatid? Kamukha n'ya yung mas bata hindi ba?!" Humalakhak ito.

Ano kaya ang pinagsasabi ng mga gagong ito?

"Ah yung batang tinira ni Ray?" Sabi nung singkit, sabay turo sa mestisuhing handa nang kumubabaw sa akin, "Yung anak ng mga Lopez?"

Tila kalembang na umalingawngaw sa tenga ko ang mga huling katagang iyon? Mga Lopez? Isa akong Lopez bago ako inampon ng mga Castellano...Diyos ko! hindi kaya sila ang...

"Sinong mga Lopez?" tanong ng bangag na Mestiso sa kasamahan.

"'Yung pamilyang ninakawan natin no'n, ganun ka na ba katanda at hindi mo na maalala?" Sabi ni Kalbo.

"Sa dami ba naman ng nilolooban natin ilang beses isang taon, eh may maalala ka pa ba?" Sabi naman ni Kulot.

"Ahhh. 'Yung mag-anak?" Sabi ng Mestiso, "Yung pamilya ng dating boss kong walanghiya! Hah! Putang inang textile factory niya, mabuti nga at nagsara na sa pagkaka-dedo n'ya!"

Textile factory?!

Sigurado ko na ngayong ang Papa ko nga ang tinutukoy nito. At kami nga...kami nga ang mga Lopez na tinutukoy nila. Sila na nga siguro ang mga nakamaskarang nanloob sa'amin noon. Oo, tama. Apat 'yun, at silang apat pala yun?

Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Ang akala ko pa nama'y tuluyan ng maililibing ang misteryo sa mga taong nanloob sa amin noon. Pero heto...tila isang himalang lumapag sa kandungan ko ang mga taong may malaking pagkakautang sa 'kin.

Kailangan kong maging matalino. Kailangang makaisip ako ng paraan para malansi ko ang mga putang inang demonyong ito.

Kailangang makawala ako. At kapag nakawala ako rito...higit pa sa lagot ang aabutin nila sa 'kin.

Copyright 2014 ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza, All rights reserved.

"Taena, mamaya na nga ang daldalan n'yo, iiskor muna ako!" Sabi ni Mestiso, na ngayon ay pinupunit na ang panty ko.

Feel na feel niya ang unang entrada nito; tila sarap na sarap ito na nababakas sa paraan ng pag-ungol niya.

Hmmm...Alam ko na ang gagawin ko.

Umungol ako, "Ang sarap, grabe, ang galing mo..." pagpanggap ko

"Woah!" Sabay-sabay na sigawan ng tatlong iskorer.

"Magaling daw si Ray! Walastik, mukhang tiba-tiba talaga tayo sa babaeng 'to ah, palaban!" Sabi ni Singkit.

Lalo namang nanggigil sa akin 'yung Mestisong...Ray pala ang pangalan.

"Kung kakalagan ninyo ang tali ko, mas mapapaligaya ko kayo." Sabi ko, "Kung gusto n'yo, pagsabay-sabayin ko pa kayo eh."

Para mas maging kapani-paniwala ang pagpapanggap ko, sinabayan ko ng paggiling ang bawat ulos ng Mestisong demonyo.

Lalong nanghiyawan ang tatlo. Maging si Mestisong ine-enjoy na ako, napangiti rin sa alok ko.

"Kalagan niyo, dali!" Utos ni Mestiso sa tatlo. Sumunod naman ang mga ito.

Aha! Ganun lang pala kayo kadaling lansihin?

Sige...

Let the games begin.

[ITUTULOY]

WarakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon