KABANATA 18

45.4K 939 89
                                    

Jacob's P.O.V.

Alam kong hindi ko kapatid sa ama si Eliza. Alam kong ang tunay nitong ama'y ang kalaguyo ng Mommy, na kalauna'y nabaliw dahil sa kanilang paghihiwalay. Pero isang mahigpit na sikreto ito ng aming pamilya. Hindi ko naman akalain na magmamana ito sa tunay n'yang Ama; ni hindi rin dumapo sa imahinasyon ko na magkakaganito s'ya.

Ang hindi ko matanggap ay ang sinasabi n'yang ginahasa s'ya ng Daddy ko. Pa'nong mangyayari 'yun samantalang matagal nang mayro'ng deperensya sa pagkalalaki ng aking ama?

Nagkaroon ito ng aksidente no'n. Isang aksidenteng naganap matapos akong maipanganak. Simula noo'y hindi na gumagana pa ang kanyang pagkalalaki. 'Yun na nga ang dahilan kung bakit kalauna'y nangaliwa na si Mommy.

Hindi talaga. Hindi ko matanggap na magagawa sa kanya 'yun ng aking ama. Kaya imposible. Imposible talaga...imposible ang kanyang bintang. Hindi ko alam kung pa'no nag-match kay Daddy ang natagpuang semilya kay Eliza, pero hindi talaga...hindi talaga ako naniniwala.

Mas paniniwalaan ko pa na may kakuntsaba s'ya sa mga nangangalap at nag-iingat ng mga ebidensya. Kakuntsaba tulad ng paramedikong pinatay n'ya. 'Yun lang ang naiisip kong nangyari dahil talagang napaka-imposibleng ginahasa s'ya ng aking ama. Paano ba s'ya magagahasa ng isang lalaking hindi na tinatayuan?

She's sick in the head. Just like his biological father. That's what it is. Isang baliw. May tama, may topak, may sayad...WARAK ang pag-iisip. Mahal ko s'ya bilang kapatid ko; pero hindi ako sigurado kung mapapatawad ko s'ya sa pagpaslang n'ya sa mga magulang ko.

Kailangan kong humanap ng paraan para makatakas kami ni Alexa; bitbit ang kahit anong matibay na ebidendsyang magpapatunay na s'ya ang may kagagawan ng lahat. Para naman malinis ko ang dinungisan nitong pangalan ng aking Ama.

"Aaaaaahhhhhhh! ahhhhhhhh!" Halos sabay-sabay na hiyawan ng mga lalaking tino-torture ni Eliza. Matapos kasi niyang isa-isang ipinako ang ari ng mga ito sa silyang kinauupuan ng mga ito, isa-isa naman niyang tinapyas ang mga tenga ng mga ito.

"Ang iingay niyo!" Sigaw ni Eliza sa mga lalaki, "Eto! Kainin n'yo ang mga tenga niyo!" Isa-isa niyang ipinasubo ang mga pinilas n'yang tenga sa mga ito. "Para marinig n'yo kung gaano kalalakas ang mga boses n'yo!"

"Ummmmhhhh.... ummmmm!" Sabay-sabay na nagsihiyawan ng kanyang mga binusalan.

"Ano ba 'yan? Parang hindi kayo mga lalaki ah. Konting hiwa lang, umiiyak na kayo? Ano pa kaya kung gamutin ko 'yan..." Luminga-linga s'ya, at saka nagmamadaling pumunta sa madilim na bahagi ng warehouse. Isa hanggang dalawang minuto itong nawala, at sa kanyang pagbabalik, may dala na itong kulay puting botelya. "Wala akong makitang alcohol. Ok na siguro 'tong muriatic acid." Napaka kasuwal ng pagkakasabi nito habang binubuksan ang botelya.

Nagbabadyang magsitumba na sa pagwawala sa kani-kanilang kinauupuan ang limang lalaki habang tinatakal na ni Eliza ang muriatic acid.

"Pampalinis ito ng banyo, for sure, pampalinis din ito ng sugat!" Anunsyo ni Eliza sa mga ito. "Pasalamat kayo, kahit mga rapist kayo, concerned ako sa inyo." Napaka-inosente ng pagkakasabi n'ya na tila ba isa lang itong batang naglalaro.

"Ummmmmmhhh! Ummmhhh!" Matinding hiyaw ni Rob Castellano nang nakita n'yang ibubuhos na ni Eliza ang asido sa pinagpigtasan ng tenga n'ya. "Ummmmmmmmhhhhhhhh! Ummmmmmhhhhh!" Grabe ang pag-agos ng luha n'ya. Pulang-pula na agad ang mukha nito sa unang patak pa lang ng asido.

WarakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon