KABANATA 17

45.2K 920 90
                                    

Alexa's P.O.V.

Akala namin ni Jake, nakita na namin nag pinaka-nakakagulat sa lahat tungkol sa kakaibang Eliza. Umpisa pa lang pala 'yun.

Halos sumabog ang puso ko sa sobrang tindi ng kaba, nang matapos makipagtalik ni Eliza sa lalaking tinawag n'yang si Emil ay bumaba ito sa gurney, pumunta sa harap ng lamesang pinaggigitnaan namin ni Jake, dumampot ang screwdriver, lumakad pabalik sa likuran ni Emil--na abala pang nagsusuot ng pantalon nito, at walang pasakaleng inundayan ito ni Eliza ng saksak sa batok, sa leeg at saka sa dibdib. Walang buhay itong natumaba sa kongkretong sahig.

"Diyos ko po." Bulong ko. Napatawag tuloy ako sa Diyos nang hindi oras.

"Thanks Emil, baby." Nakangising sabi nito sa bangkay, "But your services are no longer needed." Sunod na itinarak nito nang permanente ang screwdriver sa leeg ni Emil.

Halos masuka ako sa pagsirit ng dugo ni Emil; at sa pag-agos nito papunta sa sahig. Gamuntik na rin akong mapa-ihi sa sobrang takot. Nanlalamig. Nanginginig.

Sa paninigas ko sa kinauupuan ko'y hindi ko na malaman kung anong nagiging reaksyon ni Jake. Ang naririnig ko lang mula sa kanya'y ang kanyang pagsinghot at impit na pag-iyak.

Napapapikit na rin ako't napaiyak.

"Hello Ate." Masiglang pagbati ni Eliza sa akin.

Napamulat ako. Hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala si Eliza. Iba naman ngayon ang itsura nito.  Animo'y nagbalik ito sa dating masayahing dalagita...inosente.

Hindi ako nakasagot. Ano ba kasi ang kailangan kong sabihin sa kanya? 'Hello rin, Eliza?'

"Alam mo ate, nagtatampo ako sa 'yo." Anito. Sumasayaw-sayaw pa ito. Nagpapaikot-ikot. Hindi alintana na walang saplot ang kanyang bandang likuran at puwitan. "Sabi mo raw kasi kay Kuya, ayaw mo na sa kanya dahil tutol sa 'yo ng parents namin." Tumigil ito sa pagsasayaw at lumingon sa akin, "Kaya hayun pinatay ko na lang sila, para maging masaya na kayo ni Kuya."

Narinig ko ang mas malakas na paghagulhol ni Jake--ako nama'y hindi na halos makahinga sa takot.

"Tutal, hindi naman mabait 'yung parents namin." Dugtong n'ya, "Ang Mommy, may ibang lalaki...anak nga n'ya ako sa ibang lalaki eh, alam mo ba 'yun? Pero sikreto lang 'yun kaya h'wag mo sanang ipagsasabi ha?" Napalingon ako kay Jake. Titig na titig ito kay Eliza. "Pero pumili na rin lang s'ya ng naging tatay ko, taga-Sanitarium pa? Aba naman! Ano na lang ang iisipin ng mga tao sa 'kin kapag nalaman nila 'yun? Na siraulo rin ako katulad ng tunay kong ama?" Nilalaro-laro nito ang buhok n'ya, "Naku ha? Hindi ako siraulo 'no. Ang bait-bait ko nga eh." Muli itong nagsasayaw at nagkakakanta.

Magsasalita sana akong muli nang pare-pareho naming naulinigan ang pag-ungot si Ray. Gumagalaw na ito't unti-unti nang iminulat ang mga mata.

"N-nasa'n ako?!" Anito habang pinipilit kumawala.

Tiningnan muna ito ni Eliza, bago nito ito nilapitan.

"Hello." Animo'y batang musmos na pagbati ni Eliza kay Ray.

Tiningnan lang ito ni Ray. Balot ng pagtataka ang kanyang mukha.

"Sino ka? Anong ginagawa ko rito?" Tanong nito kay Eliza; pilit pa ring kumakawala sa pagkakatali n'ya.

"Ako nga dapat ang nagtatanong n'yan eh." Sabi ni Eliza--nilalaro ulit nito ang buhok n'ya, "bakit kayo pinuntahan ni ate Alexa no'ng isang gabi, ha? Sino ba kayo?"

WarakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon