Chapter 8- Brothers be like

16 0 0
                                    

Josh's POV

"Hoy" napalingon ako nung may tumawag. At si Ethan nanaman? Di niya ba ako tatantanan?

"Huh? Uh.. Ano ?"-Ako. Nauutal nanaman ako.

"Baliw huwag ka ng duwag diyan"-Ethan. Di ko siya sinsagot at nakayuko lang ako.

"Hoy!"-Ethan.

Ano ba ang nakain nito? Ba't tila naging mabait.

"Anong nakain mo?"-ako.

"Oreo."-Ethan. Lumakad na ako papalayo sa kanya.

"Uy! Sorry na sa nagawa ko uy, yung mga kagagohan ko lahat sorry please!!!!!"-Ethan.

Woah! Isn't it amazing! Isn't surprising! Ay gago nababakla na ako. Lumuhod pa sya sa harap ko the fugg. Hindi lang ako ang nagulat pati na rin ang mga ibang students.

"Than, tayo ka na. Apology accepted na yang pagluhod mo mukhang nag-aalok ka ng "Will You Marry Me" vows sa akin"-ako. Agad naman siyang tumayo, at mukhang napahiya siya sa will you marry me thingy AHAHAH!!

"Salamat!"-Ethan. Nakangiting sabi niya. weird.

Georgina's POV

Hahayy.. buhay.. papasok na naman tapos ganyan tapos ganito tapos hahay.. buhay na naman. Psssshhh!!!!

"Uy sorry hah?"-Josh. I'm with Josh right now, nasa hallway lang ako F.A(Forever Alone) at lumapit lang sya bigla sa akin.

Tumango lang ako.

"Uy! Sorry ba! Di ka naman bobo eh! Tamad lang"-Josh.

"Problematic you mean!"-ako.

"O sige, sabihin mo sa akin ang problema mo."-Josh.

"Bakit close tayo?"-ako.

"Oo, tingnan mo! You are just few inches away from me"-Josh.

"Mag tagalog o yung basaya ka na nga lang nanonisbleed ako sa english mo."-ako.

Nag act sya na naging seryoso sya pero, tinawanan lang niya ako.

"Baliw."-ako.

"Bisaya, hindi Basaya. Di nga seryoso na, ano ba talaga ang nangyayari sayo? Anong problema mo?"-Josh.

"K whatever. Marami ang nangyari sa akin. Problema ko mukha mo."-ako.

"Ahhh! Na momoblema ka sa mukha ko kasi napaka gwapo ko."-Josh.

Yuck. Shame on you Josh Santiago eeww.

"Feeler. Sige alis na ako, at hoy! Sa susunod hindi na kita poprotektahan."-ako. At tumakbo na ako. Naawa lang ako sa kanya kaya pinotektahan ko sya.

----

"Ethan!"-ako. Free time ngayon kaya agad kong hinanap si Ethan at alam na this kung san ko siya makikita sa Playing Bulldogs territory. Napalingon ang lahat ng makita ako, halatang gulat sila na napasugod ako dito.

"Nagbago naba ang isip mo Ms. Californian Girl?" pang-aasar na sabi nung isa.

"Ethan kailangan kitang makausap."-ako.

"I guess Ms. Californian Girl got a crush on you"-Treck. Sabay tawa ng lahat. Yucksss.

"C'mon"-Ethan. Seryosong pagkasabi niya, sumunod naman ako.

Pumunta kami sa locker's room ng boys dun kasi pinaka malapit na walang tao eh.

"May mukha ka pa palang ipapakita matapos mo kaming ipahiya."-Ethan.

"Bakit naman mawawala ang mukha ko, di naman ako nag paplastic surgery."-ako. Tumawa siya ng konti.

"Diretsohin mo na nga lang ako, mag tagalog ka ha? Baka manosbleed kasi ako."-Ethan.

"Huwag kang mag alala marunong akong umintendi ng mga taong hindi marunong mag english. Tigilan mo na ang pag bully kay Josh."-ako.

Mukhang nagulat siya, at bigla siyang tumawa. Weird -.-

"Who the hell do you think you are? HAHAHAHA!!!!"-Ethan. Okay sya na ang baliw, hahahahaa!!

"I'm Georgina Voughn, future heiress of the E.V Corp."-ako.

Nanlaki ang mata niya pero hindi yung eyes ng tarsier grabi na yun.

"Ok? So humingi ka ng apology kay Josh, at layuan mo na siya. It's your choice be friends with him or be my enemy?" Sabi ko, not in maldita mode :) Then umalis na ako.

-----

"Solve this problem...hmmm" Math class going on, shocks ito naman si Sir nagpapa solve ng math problem. Di ko nga nasosolve ang problema ko ang Math pa kaya? Yumuko ako at tinakpan ko yung mukha ko. Must not make eye contact.

"Aha!Georgina"-Sir.

"Oh!Ssshhii!!Shisye yeye!"-ako. Muntik ko ng masabi ang sh*t, nagpumigil ng tawa ang lahat.

"Answer this."-Sir.

"Uh..sir, yung mga matatalino nalang ipasagot niyo jan."-ako.

"No, walang taong bobo. Tamad marami."-Sir. Narinig ko yung isang classmate ko na sinabing 'Ouch!' Saan siya nasaktan sa walang taong bobo o sa tamad?

"Uh....uhmmm.." Ano ba ang isasagot ko?

*kriiiingggg!!!*

"YES!" Sigaw ng lahat kasama na ako.

"You're lucky Ms. Voughn. Okay class dismissed."-Sir.

Saved by the bell :D Tumayo na ako at kinuha ang bag ko. Ang pinagtatakatata? or so whatever nahihirapan parin ako ng tagalog pero konti lang, english na nga lang. Wait a minute? Curiosity strikes! Why are they in a hurry specially the gals? Sumunod ako sa pagmamadali ng mga girls yung mga boys chill lang. Nasa hallway na kami at dinig na dinig na ang mga dumb screaming voices of the o.a girls.

"Hey? What's happening? Bakit nagkakagulo ang lahat?" Tanong ko sa isang student.

"4 awesome and hot perfect guys are in school!!" sabi niya, hah? ano rawww?

Pinilit kong sumilip pero di eh! Di nila ako pinapadaan psshhhhh!!!

May nakita akong upu.an at kinuha ko ito tinapat ko sa mga locker at dun ako pumatong umupo lang naman di ako tumayo.

O_O--> me

"Princess!!!!!!"-Edward.

"Skylar!!!!"-Kevin.

"George!!!!-Tristan.

"HAYIEEE!!!"-Drake.

Why are they here? Wait, si kuya Edward and Drake di na ako magtataka nandito lang kasi sila sa Pinas. Pero si kuya Tristan and Kevin na alam kong puro busy, why o why?

Lumingon naman ang lahat. sa akin kitang kita na ako naka upo nga ako sa itaas ng mga locker diba? And I can hear some of them whisper like 'Mga kapatid ba yan ni Georgina?' and 'Oh my gee! Swerte ni Georgiee'. Pumunta naman silang apat sa kinaroroonan ko, walang iba kundi si LOCKER! And obviously pinadaan naman sila. Halos lahat nakatulala, yung iba nganga.

"Bumaba ka na nga jan"-Tris. Bossy as ever, panganay kasi wala tayong magagawa.

"Halika."-Kevin. He stretched his arms na parang pinapatalon ako at sasaluhin lang niya ako. Parang ganun na nga.

"Alam ko kung paano bumaba noh?"-ako.

"Wow! Marunong ng mag tagalog."-Tris.

"Marunong na talaga nagpa tutor nga eh!"-Edward.

Tinulungan nila akong maka baba mula sa locker. And take note nandun parin ang mga stupidents.

"Uwi na tayo."-Kevin. Wala ako sa sarili ko, 'di ko alam kung saan, paano ba, kailan nag umpisa ang lahat' Just kiddin'! Narinig ko lang ang ibang stupidents na kumakanta niyan di ko alam kung anong song na yan or saan yan nanggaling.

World of ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon