"Josh. Gising na anak."-Papa
"Hmmm...Antok pa ako." Antok na pagkasabi ko.
"Gumising ka na nga."-Papa.
"Ang aga pa po.. huwag muna ngayun. Wala ako sa mood pumasok."-ako.
Mukhang hindi na sumagot si Papa, baka umalis na siguro siya. Mabuti nga para makatulog pa ako.
"HUHHHH!!!!!"-ako. Shokoooy! Ang lamig."ANO BA?! PA NAMAN!!" Ang lamig talaga, ikaw kaya yung buhusan ng malamig na tubig habang natutulog tignan ko lang kung hindi din kayo magwawala.
"Bumangon ka na kasi eh, kung hindi ka pa babangon sa kama mo. Bubuhusan kita ng mainit na--." Pinutol ko na ang pagsasalita ni papa.
"Yes sir! Babangon na, papasok na po ako!"-ako. Mabilis na sagot ko habang nagsasaludo pa, sakto na yung binuhusan ako ng malamig na tubig kesa dyan sa mainit na tubig.
"Papasok? Sinong maysabing papasok ka?"-Papa. Nga naman, sinong may sabing papasok--Hah ano raw?!
"Hah? Weekend na pala? O Bakasyon na? Walang pasok!"-ako. Wala palang pasok---.
"Hindi pa weekend at ang layu pa ng bakasyon kakatapos niyo lang mag sembreak bakasyon agad? Ano ka hilo?"-Papa. Ay yun naman pala eh.
"Oh ba't--" Siya naman ang pumutol ng pagsasalita ko.
"Tinawagan ko na ang school mo, hindi ka papasok ngayon."-Papa. Tologo?! "May pupuntahan tayo, at maligo ka at mag-ayos ka na rin isuot mu yung damit na nasa aparador at paki bilisan mo hah? At itutok mu yang electric fan sa kama mo maliit lang naman ang nabasa dyan eh."-Papa. Lumabas na agad sya ng kwarto, sumunod naman ako sa kanya mabuti nalang di masyadong nabasa yung higaan ko. Naligo na din ako at pag bukas ko ng aparador dahil nga sabi niya isuot ko raw kasi yung damit na nandun. Pero huh? Bakit may tuxedo dito? Aatend ba kami ng kasal?
Pagkatapos kong mag-ayos lumabas na ako ng kwarto, at nakita ko na may sasakyan na naka parada sa labas ng bahay namin. Lalabas na sana ako ng bahay pero nung na daanan ko ang kusina. May pagkain pero bakit isang plato lang? Di ko kasabay si Papa kumain?. Merong kanin, itlog, bacon at tinapay with kape? May note sa gilid ng plato.
--Josh,
Kumain ka na muna pero paki bilisan, tapos na akong kumain. Dapat paglabas ko ng kwarto at pagkatapos kong mag-ayus. Tapos ka na.
P.S= Hugasan mo rin ang plato.
---
Anong ka O.Ahan na naman tong ginagawa ni papa, kagabi nag panggap na lasing ngayun. Pinapadali ako at pinasuot ng tuxedo, adik ba tong papa ko?
-sasakyan
"Pst! Pa, drug lord ka ba?"-ako. Di ko alam kung anong sumagi sa isip ko yun lang ang naisip ko eh.
"Baliw ka bang bata ka? Kahit na gumapang tayo sa putik, hinding hindi ako gagawa ng masama. Bakit nagdududa ka kung bakit naka ganito tayo at may sasakyan tayo? Ang bata bata mo pa nak makakalimutin ka na? Di ba nga matagal ko nang pinapangarap na magkasasakyan? At sinabihan pa kita nuon last year na isang taon na lang makakabili na tayo ng sasakyan, pinag ipunan ko to sa marangal at legal na paraan at inuulit ko kahit na gumapang tayo sa putik at kahit na maging dukha pa tayo sa dukha hindi ako gagawa ng illegal, masama o labag sa batas. At.. basta mamaya na malalaman mo rin kung san tayu pupunta."-Papa.
"Pa easy lang, pick up line kaya yung drug lord ka ba? Dapat isasagot mo bakit? Ito naman. Don't take everything seriously papa."-ako. Wala na akong maisip na palusot eh.
"Di na uso ang mga corny na pick up lines ngayun, mga jejemon nalang ang nag pipick up line. Nag dahilan ka pa."-Papa. Noh? Hindi ako updated? Sabagay puro libro lang inaatupag ko di ko pinapansin ang outside world.
BINABASA MO ANG
World of Chances
Teen FictionThis is a story about two young people who have different lives, what if the universe plays tricks on them? And turn their life around which give them the choice to give up and let go. Will they still continue dreaming about fairy tales? Or will the...