Chapter 15- Sleepovers

7 0 0
                                    

"Psstt!" Sino yun?

"Pssss..."

Naglakad ako ng mabilis at hindi pinansin kung sino man yang sumisitsit sa akin.

Pero mukhang may sumusunod sa akin.

"Hoy! Sino yan? Lumapit ka dito at papatayin kita!" Sana multo nalang to kasi kapag tao baka patayin ako.

Mukhang wala naman baka guni-guni ko lang iyon.

"Georgina!!"

"Mama!" Agad kong sinuntok yung gumulat sa akin.

"Aray.."-Rey.

"Hala! Sorry, sorry talaga ." Paano ba to sa pisngi ko pa siya nasuntok.

"Ikaw naman kasi eh, huwag mo akong gulatin yan tuloy."

Nako naman oh! Siya pa talaga ang nasuntok ko ang handsome face ni Alpha .

"Ako pa yang sinisisi mo? Ikaw na nga yung sumuntok sa akin, grabi ka may dugong Pacquiao ka ata."-Rey.

"Sorry talaga Rey, sorry po!"

"Oo na okay na, ano ba ang ginagawa mo dito?"-Rey.

"Matutulog."

"Dito sa kasalda na to? Saan ka naman matutulog dito?"-Rey.

"Baliw, makikitulog ako kay Nic."

Medyo natahimik siya dun ah, why o why? I juander...

"Ahh.. Nandun lang yung bahay nila"-Rey. Nag point siya sa right way, nadaanan ko na pala? Tanga ko talaga.

"Saan dun? Nadaanan ko na yun eh!"

"Sa ika-apat na light post katapat nun ay bahay na nila."-Rey.

"Okay.. Yung may bench sa front yard?"

"Oo yun na yun!"-Rey.

Umalis na ako at nagpaalam sa kaniya, syempre nag sorry na din. Pero ba't siya sumusunod sa akin? Don't tell me?! Kanina sumisitsit sa akin ngayon sinunsundan ako! Mamamia, no please I'm too young!!! Kahit ultimate crush ko pa siya huwag pleaaseeee!!!

"Subukan mong lumapit, Spencer Rey Gil and I'll make sure na makikita mo si Kamatayan."

Nabigla siya at mukhang confused, pero bigla siyang nag smirk at ngumiti ng nakakaloko.

"Huwag kang lumapit!!" Lord please send your Angels to guard and protect me..

Nag take siya ng one step at nakatitig sa akin habang nakangiti pa rin ng nakakaloko.

"Sh*t of you Rey just sh*t!"

He took another step now biting his lips at tinitignan ako from head to toe.

Agad akong tumalikod at tumakbo, papunta nga dun sa bahay nila Nic. Tumingin ako sa likod ko hinahabol ako ni Rey, pagharap ko naman!

"Ahhh!" sabay naming nasigaw. Nakabunggo ko si Nic.

"Ouch(me)---Aray(nic)"

"Uhh.. Okay lang ba kayo?"-Rey.

Hindi sumagot si Nic kaya, ako nalang sumagot.

"Oo okay lang kami.." calm na pagkasabi ko pero nakalimutan ko na si Rey pala..

"NIC!! Huwag kang lumapit sa kanya! Rapist, manyak, mamamatay tao yang tao na yan!"

Medyo nagulat silang dalawa sa pagsigaw ko ng Nic, mabuti pang ilayo ko na itong bata na to bago pa may magawang masama ang lalaking ito. Na discourage na ako :(

"Halika na pumasok na tayo sa bahay."-Nic. Calm na pagkasabi niya, pero may ibinulong pa siya ang tanging narinig ko lang ay.'Napatay na niya ako noon pa'

Weird..

"Sige goodnight sa inyu, joke lang yun George nagiging o.a ka na just kidding. Bye."-Rey.

----

"Sure ka ba talaga na okay lang sa Dad mo na dito muna ako?"

"Oo naman, kasi alam niya na doon ako sa iyo sumama at natulog. May kukunin lang ako sa baba babalik din ako."-Nic.

"Ah sige."

Lumabas si Nic sa kwarto, share lang kami ng room kasi tatlo lang naman yung rooms nila tapos yung isang room occupied na by her lola. Humiga ako sa higaan pero naku naman! Nakalimutan ko yung bag ko sa sala.

"Aysshh.. Nakakatamad namang bumaba."

Wala akong choice so bumaba nalang ako.

"Tashana kompleto na ba yung mga gamit mo?" mukhang boses ni grandma, rinig ko sa guest room medyo nakabukas kasi yung pinto eh.

"Yes po. Bukas ng gabi pa po naman yung flight natin diba?"-Nic. Ano raw? Flight?

"Oo apo, pwede pang magpalipas ng gabi yung kaibigan mo dito. Inayos ko na rin ang lahat kabilang na ang school mo."-Lola.

Saan siya pupunta? Aalis na si Nic? How sad. Umalis nalang ako at baka mahuli pa akong nakikinig sa kanilang usapan, pumunta nalang ako sa sala para kunin ang bag ko at umakyat na.

Nakahiga lang ako the whole time at iniisip ko pa rin yung pag-alis ni Nic kung totoo ba yun, hindi pa siya bumabalik pumikit ako pero sakto bumukas yung pinto at pumasok na si Nic.

"Uy! Hala sorry kung nagising kita sige matulog ka na ulit."-Nic.

"Ano ka ba hindi okay lang, hindi pa talaga ako inaantok eh."

Ngumiti sa akin si Nic. Hindi ko mapigilang mapaisip kung aalis ba talaga siya o hindi. Aysshhh..

"Nic..uhmm..Aalis ka ba?" Hindi ko na talaga mapigilang maging curious eh.

"Hah? Uh.." Umupo si Nic sa tabi ko at nagsalita uli.

"Ate Georgina, thank you sa lahat hah? Hinding hindi kita makakalimutan. And oo aalis na ako sasama ako sa Lola ko doon sa Amsterdam."-Nic.

O_O what?! Napakaikli lang ng panahon na magkakilala kami tapos ito ngayon aalis na siya?

"Agad-agad kang aalis?" Nagsalita agad si Nic.

"Ganito kasi yun...."

World of ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon