13. Zed Was Abducted

1.1K 53 9
                                    


Mstrss_Alexain©

13. Zed Was Abducted


"Paano ka naman napadpad dito?" saad ni Zydrose.

"Naligaw lang ako dahil may sinusundan ako kanina." sagot ko.

I'm still not used at hearing him speak this way although he is not Zed.

Hindi na siya sumagot sa halip ay humalukipkip na lang. 

Kamukhang kamukha siya ni Zedrick.

Nasa dorm niya kami. He cooked foods for me and offered me milk. He's way too gentleman compared to his evil twin.

Pinapanood niya lang ako habang kumakain pero hindi na ako naiilang dahil gutom talaga ako.

"May kakambal pala siya? How come?" turan ko sa kanya. Isang ngiti lang ang isinagot niya sa akin.

Bigla ko namang naalala yung nakita ko sa profile ni Eliseo Zedrick Fournier nung mag-log in ako sa Centri. He really has a twin! Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi niya sa akin iyon nabanggit. 

Hindi nga pala kami close.

"Whose personality do you like more?" he asked out of the blue.

Tapos na akong kumain. Sumagot naman ako. "If you're his twin, you could already determine my answer."

Napatawa na lang siya. "Is he that worse?"

I drank the water before answering him, "Hindi naman sobra. But he gets easily agitated like he's not annoying at all." naalala ko yung huling sinabi niya sa akin pagkatapos naming magsayaw. 

"Ako na ang maghuhugas nito." tumungo na ako sa kusina.

Nagprisinta pa siyang tutulong pero itinaboy ko na lang siya. Nang matapos ako ay nadatnan ko siyang hawak ang cellphone niya. Umangat ang tingin nya nang mapansin ako.

"I'll take you to your dorm." saad niya at kinuha ang susi sa tabi ng malaki niyang telebisyon.

Hindi ko maipaliwanag pero kahit ngayon lang kami nagkakilala ay parang magaan na ang loob ko sa kanya. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan.

Sumakay na kami sa sasakyan niya na kahit madilim ay halata namang mamahalin. Ipinagbukas pa niya ako ng pinto.

"Bakit nga pala hindi ka sa Arcatride pumasok?" biglaan kong tanong.

Lumingon siya sa akin saglit at saka sumagot. "I don't want to be in the same environment with my brother. And the same goes for him."

"Eh magkamukha lang naman kayo eh." napatawa ako.

"Yun na nga." napailing lang siya at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Mukhang pamilyar na siya sa school namin. Tumigil kami sa pinakamalapit na parking space sa dormitory.

Hindi pa kami lumalabas kaya nagtaka ako.

"Lalabas na ako ha? Salamat nga pala." paalam ko sa kanya. 

Bumaba na ako at nagpasalamat sa kanya. Inintay ko muna siyang makaalis bago dumiretso sa dorm.

Babanggitin ko ba siya kay Zedrick?

Eksaktong tapos na ang party kaya nagsisiuwian na din ang mga estudyante.

"Patricia!" sigaw ni Storm at tumakbo papalapit sa akin. "Alam mo bang kanina pa kitang hinahanap. Akala ko'y may masamang nangyari na sayo."

Vampires: Pieces of ArcaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon