27. Love sick

139 7 2
                                    



Mstrss_Alexain©

Chapter 27. Love Sick


"Zien, wala pa ring balita kay Zedrick?" nag-aalala kong tanong. Kumakain kami ngayon sa  café ng Fénix. Hindi ko magalaw ang carbonara na nakahain sa harapan.

Kinain ko ang sinabi kong lalayo ako. How ironic I keep on looking for him.

Umiling lang siya at walang ganang nagpatuloy ng pag-inom ng bloodpack. I heaved a sigh.

"He'll show himself up soon. Don't worry." Santh ensured. He just finished his last drop of blood.

Nagmasid na lang ako sa paligid. Halo-halo ang mga nilalang na nandito. Ang iba ay kumakain ng pagkain ng tao samantalang ang iba ay umiinom sa blood packs. 

The motif of the café is earth tone. It is located at the first floor of the building and the interior is calming and relaxing. Di bale nang pagod ka sa training kung dito naman lagi ang diretso mo, bukod sa free ang lahat ng pagkain at self-service pa. Na-miss ko tuloy ang Grills at paborito ko doong kainin.

Umilaw ang isang phone na nasa ibabaw kaya napatingin ako doon. Nagpa-panic na kinuha iyon ni Zien at inilagay sa lap niya kaya nagtaka ako.

"Who's Edward?" tanong ni Santh na may ngisi sa labi. Napanguso naman ako dahil mukhang tama ang iniisip ko.

Zien rolled her eyes while typing a message, as I see her look down. Magkatabi kami ni Santh samantalang sina Zien at Siah sa unahan namin.

Nang matapos ay tumingin uli ito sa amin. "Kaibigan ko sa Arcatride. Why?" masungit nitong tanong kay Santh.

"Just asking, Z." hindi pa rin natatanggal ang mapang-asar na ngisi ni Santh.

I heard her phoned pinged, or 'we' rather, dahil tumawa na si Santh at namumula naman si Zien. Hindi niya kami pinansin at nag-type uli.

"Oops, daddy is mad." sumipol si Santh. 

"Bakit kase may pag-send ka pa ng picture sa kanya?!" inis na asik ni Zien habang nakatingin pa rin sa phone niya.

"Daddy niya lang pala?" clueless ding tanong ni Siah. Sumilip siya sa lap ni Zien pero inilayo ito ng huli kaya napanguso na lang siya. Ang cute niya!

Binalingan siya ni Santh pero nag-kibit balikat lang siya.

"Santh, pag hindi ka tumigil, I'm not gon'na clean the house anymore." banta ni Zien. 

Santh raised both his hands in surrender. "Kidding." natatawa niyang sabi.

Gusto kong magtanong kung sino si Edward pero mukhang hindi komportable si Zien na sabihin kung sino iyon. It's not his dad, I believe.

Napatingin ako sa kabilang table kung nasaan ang Schillerians. Nagtatawanan sila at itinuro ang lalaking akala ko ay kapartner ko kanina, Zariel ang pangalan sa pagkakatanda ko. 

Mukhang normal lang din naman silang estudyante katulad namin. Ini-judge ko lang talaga sila.

Napadaan ang tingin ko sa isang lalaki na nakikitawa pero hindi masyadong nakikiusisa. Uminom lang ito ng dugo sa bloodpack na nangangalhati pa lang. Bago pa ito mag-angat ng tingin ay iniiwas ko na ang akin.

"Patricia, why aren't you eating?" concerned na tanong ni Siah.

My tongue touched the roof of my mouth. "Still full."

Vampires: Pieces of ArcaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon