(feo = ugly)
Mstrss_Alexain©
19. After Affects
Nagising ako nang pakiramdam na may braso na nakayakap sa akin ngunit hindi ko makilala kung sino dahil nakatalikod ako dito. Nasapo ko naman ang aking ulo dahil parang pinupukpok ito ng martilyo.
Sobrang hina ng tolerance ko! Gaano ba kataas ang alcohol content ng whiskey na ininom ko? Hinding hindi na talaga ako ako iinom.
Nang maimulat ako nang maigi ang aking mata ay saka ko lang napansin na hindi ko ito kwarto. At may katabi ako!
Dahan-dahan kong tinignan ang ilalim ng kumot na nakalagay sa akin. Suot ko pa naman ang damit ko kagabi. Napa-kagat labi ako habang umiikot upang tignan kung sino ang katabi ko.
"Mamaya tayo bumangon." naka-pikit pa ito habang nagsasalita. Napa-irap na lamang ako.
"Bumangon na tayo." utos ko kay Zien. "Tao kasi ako diba? Kailangan ko ng gamot sa hang over."
"Patricia naman. Mamaya." pag-angal, at sa kabilang side naman ng kama humarap.
Bigla akong napatulala sa kawalan. Ganito ako pag pakiramdam ko ay may isang mahalagang bagay akong nakaligtaan pero hindi ko matukoy kung ano. Parang...
"Parang hindi dapat tayo nandito sa bahay niyo, Zien." iniharap ko ang katawan niya sa akin.
"Malalagot ako sa kuya mo kapag inuwi ka naming wasted." nakamulat na siya. Mukhang inaantok pa talaga siya.
"Oo, pero mas malalagot tayo dahil alas-dos na ay wala pa din tayo sa school."
"Sh!t."
---
"WHAT?" reklamo ni Zedrick habang nakataas ang paa sa center table. Usual get up na niya pag nasa office ng headmaster.
"You heard me right, apo. Sa kubo kayo mamamalagi sa unang tatlong araw ng training niyo." pinal na sabi ni Sen. He insisted me to call him Sen although he's much older than me. Nakaka-bagets daw.
"Anong pong gagawin na namin doon? Magbabahay-bahayan?" singit ni Santh. Whoah, Santh loses his cool.
Napa-buntong hininga na lang ako. Hindi nagsasalita si Zien dahil guilty siya.
"Ano po bang klase ng kubo? Magkakasya po ba kami?" kuryoso kong tanong.
Napangiti na lamang ang matanda. "Oo naman. kasyang-kasya ang maliit na pasensya ni Zedrick."
Bago kami tumuloy sa aming pupuntahan ay nagpunta muna kami sa isang underground coven sa Vintrese. Ang Fénix Unit ang namamahala dito kaya malapit lang ito sa base nila. Naroon na daw halos lahat ng mga estudyante.
Pagkadating ay namangha ako sa sobrang lawak nito. Nandito kami ngayon sa isang napakalaking underground function hall. Hindi mo aakalaing nasa ilalim ka ng lupa.
By the entrance, there are memorials and phoenix sculptures looking down upon the white granite floor of the hall. Sa pinakataas na gitna ng lugar ay ang isang malaking flag na may symbol ng Fénix Unit.
We reached an opened vast gate with massive doors. Kitang kita dito ang isang mataas na platform na pinaliligiran ng mga estudyante. May nagsasalita doon sa podium na isa sa mga heads.
Instructions and precautionary measures pa lang at ibang mahahalagang bagay ang ini-orient sa kanila kaya huling araw na ito para magpahinga bago bukas.
BINABASA MO ANG
Vampires: Pieces of Arca
Про вампиров(Tagalog Story) A time when humans and vampires co-exist. How would Patricia detach herself from a bunch of Lartruses, the highest ranked creatures in the Vintrese, the vampires' mainland, especially when she was supposed to work with them in findin...