Chapter 2.2

123 7 0
                                    

Wave's PoV

Asan na ba yung Room A1 dito?

Hindi man lang ako binigyan ng mapa ng matandang gurang na head ng school na to!Psh!

Lahat ng studyante nasa kanyang-kanya nang classroom,kanina pang nagbell.Ngunit ako dito,naglilibot parin kakahanap sa room ko,putik!

Nasa 6th floor ako ngayon at I'm sure andito na yung room ko!

Habang dinadaanan ang ibang room,nililingon ako ng mga nagkaklase doon.

I don't know kung hindi pa sila nakakakita ng magandang tao o sadyang maganda lang ako.

Diba?

Nang nahagilap ko na ang isang room na may tatak na A1 ay agad ko itong binuksan.

Walang katok-katok.

Napahinto sa pagle-lecture ang teacher.

Sino ba to?

At wala pang isang segundo ay may lumabas na teksto sa gilid nito.

Name:Felicia Quingca

Age:39

Damn,nabigla ako nun ah!

Ito ba yung sinasabi ni mom tungkol sa piercing na inembento niya?

At ako lang talaga nakakakita nito dahil sa akin lang naman naka connect ang piercing.

"Wow,bigla nalang siyang pumasok sa class ni Miss Angry Bird."

"Waaah,ang ganda niyaaa!"

"Transferee pre!"

"Damn hot!"

Ito na naman,ayaw na ayaw ko talaga ang atensyon.

"Ba't hindi ka kumatok?And who are you para istorbohin ang klase ko?!"sigaw niyang tanong.

Tinignan ko siya nang walang buhay at sinabihang.

"Transferee." I flatly said.

"Ooohhh..."sabi nang lahat ng estudyante.

"Aba't sumasagot ka ha!"sigaw ni ni Ma'am Quingca.

"You asked who I was,didn't you?"tanong ko.

Wala akong oras makapag daldalan sa kanya.

Bigla na naman bumukas ang pinto sa likod ko at tinignan ng mga studyante.Wala akong paki,gusto ko nang matapos ang araw ngayon at makauwi na nakilala na ang magbibigay lead sa amin.

"You,Miss-"

"Akiko Wave Yuri is the name."putol ko sa kanya dahil malamang,hindi niya ako kilala.Psh.

"You are in trouble Ms.Yuri!Detention!"sigaw ng old lady.

"Uhm,okay?"yun lang ang nasabi ko.

"And you Mr.Grey,Mr.Raku,Mr.Park,
Mr.Cordova and Mr.Halsen!Why are you late again!At himala ha?!Pumasok na kayo?As far as I remember,three weeks na kayong hindi pumapasok!"sigaw ng gurang.

Nilingon ko naman ang mga pinagsigawan ng gurang na yon.

Limang lalaki.

Pero ano bang paki ko?Lalabas na nga ako,mamaya na ako papasok pag may matinong teacher na.

"And where are you going Ms.Yuri?!"sigaw ng lola.

"Getting out,obviously."I rolled my eyes.

"Babalik na lang ako pag may matino nang teacher." I added.

The NightwalkerWhere stories live. Discover now