Chapter 16

66 5 0
                                    

Wave's PoV

Andito ako ngayon sa office ko sa mansion kasama si Tyson,nagliligpit sa mga importanteng files at binabasa ang mga bagong dating na impormasyon galing sa White Organization.

"Tyson,ikaw na bahala sa ibang mga papers,may pupuntahan pa ako."sabi ko at tumayo sa swivel chair ko.

Tumango lamang si Tyson at lumabas na ako ng office.

Umakyat ako papunta sa floor kung saan nandoon ang room ni langit.

Nang nasa floor na ako ay pumunta ako sa tapat ng pinto ng kwarto ni langit at pinihit ko ang doorknob at pumasok.

Nakita ko namang natutulog si Sky.

I sat next to him and stared at him.

Sky,pano kung malalaman mo kung ano ang binabalak ko sa aking misyon?

I sighed.

Alam ko kung ano ang magiging reaksyon niya.Magagalit siya dahil isa pang heir ng Empire Mafia ang pinaglalaruan ko para gamitin.Wala din akong choice eh,kailangan ko siya para sa misyon ko.

And talking about Sky being here,bakit ba siya andito sa Pilipinas?

There are only two possible choices kung bakit siya andito.Dahil concerned siya sa akin dahil sa mission ko o dahil may mission siya dito.

Nakakatawa din siya tignan,sa pagkakaalam ko mataas ang senses niya kagaya ko kaya dapat alam na niyang may tao dito sa room niya na nakatitig sa kanya.

Mukhang pagod na talaga siya dahil hindi na niya ako namalayan at dahil malalim na ang kanyang tulog.

Ano kaya ang ginawa niya kahapon pagkatapos niya matulog nang pumunta kami ni Tyson sa Bandits Bar Club para sa mission ko para mapagod siya ngayon?

Umiling nalang ako and smiled.
I kissed Sky's forehead and got out of his room.

Dumeretso na ako sa elevator papunta sa parking lot ng ilalim ng bahay.

Nakita ko naman na naghihintay si butler sa akin na nakabukas ang pinto ng limo.

Tumango lang ako kay butler at pumasok na.

Pinaandar na niya ang kotse at lumabas ng parking lot ng bahay.

Kahapon ay nahirapan kaming paaminin ang Heneral ng Black Doves.

Hindi nga kami nakakuha ng matinong sagot kundi tawa lang siya ng tawa at nagsasabi ng iba't ibang numero.

Akala ko din na marunong yun lumaban ngunit hindi pala.Yan din ang nakakapagtaka sa akin,bakit ang heneral nila ay mahina?

And also,kahapon.Binantaan ko ang limang hari.

Dapat talaga silang hindi mag-ingay sa mga nakita at narinig nilang nangyari doon kahapon sa BBC.

"Butler,daan muna tayo sa Organization."sabi ko kay butler.

"Yes ma'am."sabi naman niya habang nasa kalsada ang tingin.

May kailangan pa akong tapusin doon.Kailangan kong mapaamin ang heneral nang Black Doves.

Ilang minuto ay nakarating din kami sa secret organization location na napapaligiran ng mga puno.

Oo nasa kagubatan nakatago ang organization ni Dad dito sa Pilipinas.Pero ang Main Head Quarter talaga eh nasa Japan.

Bago pa ako nakatapak sa lupa ay biglang nag ring ang phone ko.

The NightwalkerWhere stories live. Discover now