Wave's PoV
Andito na ako ngayon sa library.Natutulog sana ngunit nagising ako sa isang ingay na nakakadiri sa tenga.
"Ooh."
"Ahh."
"Babe hush,someone might hear us."
I rolled my eyes of what I'm hearing.
Pati naman sa library ginagawang motel.
Tsk,sana mahuli sila diyan.
And talking about mahuli.Muntik na akong mahuli ng limang hari sa pinakamataas na puno kahapon.Pero salamat na rin at nakakuha pa ako ng oras na bumaba at magtago.
Tumayo na ako at lumabas ng library.
Naglakad na ako sa hallway na empty.Class hours na ngunit ayokong pumunta sa class room.
Kailangan ko na talaga kasing makakuha ng impormasyon kay Prince o Kourt Smith.
Wala nang silbi sa akin ang Limang Hari dahil mahirap silang pakitunguhan lalo na't naging malamig na kami sa isa't-isa ni Zayn.
Sasabihin ko na sa kanya mamaya to stop are stupid little game and our fake relationship.
Nakakabanas na din at kailangan ko na talagang gumawa ng galaw sa Shinfa Clan at Black Doves.
Habang naglalakad ako papalabas ng building ay may nakita akong mga pulis naglalakad papunta sa likod ng building.
What's happening?
Lumapit naman ako sa mga pulis at sumama papunta sa likod para makita lamang ang isang studyante na nakahiga sa may damuhan na naliligo sa sariling dugo.
The blood is still fresh.
"Sir,sa leeg ang saksak niya."
Nilingon ko naman ang nagsabi non.
Isang officer na nakikipag usap sa isa pang officer at inspector.
"Let's wait for the dean,and the school council.Lalo na sa witness.And make sure na walang studyante na lalabas sa mga kanya-kanyang room."
"Hey!Student's are not allowed here!"may bigla namang humawak sa aking braso ng mahigpit.
Pinagtitinginan na ako ng mga police.
"Why are you here during class hours miss?"biglang tanong ng inspector.
"Why,does it matter?"I flatly said.
"Kaladkadin niyo yan paalis."sabi ng inspector.Nainis ata sakin.
Bago pa ako kaladkadin ay may biglang sumigaw.
"Stop,she's with me Inspector Maselan."
Hindi ko kailangan nang lumingon dahil sa boses pa lang ay kilala ko na kung sino.
"What is she to you Mister Zayn?"seryosong sabi ng detective.
"That's my girl.So get your hands off of her officer."seryoso ding sabi ni Zayn kaya binitawan ako ng officer at lumapit siya sa akin.
Nag back hug siya sa akin at hinigpitan ang hawak niya sa aking bewang.
Wala sa aming dalawa ang umimik.
"Inspector,can I get a closer look sa patay?"I flatly asked.
Nagdalawang isip pa sa una ang inspector at tinignan si Zayn.