Chapter 8

75 5 0
                                    

Wave's PoV

"So you all need to be alert blah blah blah."hindi ko na pinakikinggan ang P.E. teacher namin ngayon.

P.E. kasi namin ngayon at ang topic namin ngayon ay martial arts.
Hindi naman bago sa akin yan eh.

Hindi na din ako magtataka kung may marunong magmartial arts dito dahil hello?Sky High kaya ito?Madaming gang dito at mafia,mapa assasin pa nga,alam kong andito sila nag-aaral.

Naramdaman ko namang may nakatitig sa akin sa aking likoran,hindi ko matiis iyon at nilingon ko ito at nakita ko ang limang hari ng Sky High Academy.

Inis na nakatitig sa akin si Zayn.Hindi pa yata niya matanggap na hindi ako nagsorry sa kanya noong sabado sa mall.

Aba,gusto niya ba talaga ako mag-sorry?Pwes,hindi ako ang may kasalanan.May mata naman siya ah!Dapat nakita niya ako non!

Tinitigan ko nalang din siya ng malamig at bumalik sa pagmumuni habang tinitigan ang aking mga paa.

Andito kami ngayon sa gitna ng soccer field ng Sky High Academy.
Malaking mat ang inuupuan slash ini-indian seat namin ngayon dahil mag lalaban daw kami ngayon.

"Ngayon,mag start na tayo.Sino gustong magvolounter?"sabi ni Mr.Ozano.

"Yes Mr.Halsen!"sabi ni sir Ozano.

Napatingin naman ako kay Zayn na naglalakad patungo sa gitna.

"Sino ang gusto mong makalaban Halsen?"tanong ni sir.

Naglibot ang kanyang paningin hanggang sa nakatutok na ito sa akin.

"Miss Yuri."sabi niya.

Now,is this how you wanna play Mr.Empire?

"Miss Yuri,marunong ka ba?"alalang tanong ni sir.

Akala ata nila na hindi ako marunong.

"Challenge accepted."yun lang ang sinabi ko at tumayo.Naglakad ako papunta sa gitna at tiningnan ng madiin si Zayn.

"Ok,posisyon na kayo!"sabi ni sir.

Nasa right naman ako na side ng mat habang nasa left naman siya.Nagposisyon na kami sa pagatake.

"Fight!"sigaw ni sir.

Wala sa amin muna ang gumalaw,wala ata kaming balak na umatake sa isa't isa.

What if I annoy him?

"Alam mo Zayn,ikaw pumili sa akin na kalabanin ka kaya ikaw na maunang umataki."sabi ko sa kanya at naglakad papalapit.

Naglakad na din siya papalapit sa akin.

"I won't go hard on you,you're a woman."nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya.

"Dahil ba ay isang babae ako ay hindi ka na lalaban sa akin ng patas?Hindi tama yan Zayn,you're judging my ability just because I'm a girl."sabi ko sa kanya at bigla ko siyang inataki ng suntok pero nablock niya ito.Sa halip na umatras ako ay ginamit ko iyon bilang advantage.

"Wrong move Zayn."ngisi kong sabi sa kanya at hinawakan ang kamay niyang ginamit pang block sa suntok ko para hindi siya makagalaw.Tumalon ako sa likod niya at tinulak siya ngunit humarap siya sa kin na taas ang kanyang paa,balak sana niyang sipain ang aking mukha ngunit na block ko ito at initwist kaya natumba siya ngunit nang natumba siya ay ginamit niya ang kanyang kamay para makatayo pabalik.

"Let's play fair then."sabi niya at umataki sa aking ng multiple strike na mga suntok pero bino-block ko lang ito isa-isa.

Alam ko na to,papagodin niya muna ako para maka take advantage siya.

The NightwalkerWhere stories live. Discover now