Wave's PoV
Isang linggo na ang nagdaan simula noong nalaman kong pinapabantayan ako ng DaLphas.
Ano naman atraso ko sa kanila?
Wala naman ah,and the last time I met the DaLphas ay noong nasa underworld ng Japan ako.At simula din non ay para yatang laging nakasunod sa akin yung lalaking alagad niya na nagbabantay sa akin.
Bahala sila.Wala akong oras makipagdaldalan sa kanila.si Kourt Smith ang pinunta ko dito.
Andito ako ngayon sa bahay ng kambal ko.
Dito ako maninirahan kapag school days dahil mahirap na kapag may susunod sa akin tapos malalaman nilang nasa Yamamuto mansyon ako nakatira.
Oo,may kambal ako na lalaki.
May iba din siyang kulay na mata,pero hindi Alexandria Genesis.Kasi ang Alexandria Genesis ay purple o violet,kay kuya naman eh grey.Hindi naman siya sakit,namana lang niya sa side ni daddy thea 1/2 american.Kagaya ko,kung lumalabas siya ay nag co-contact lense din siya.Nasa Korea siya ngayon dahil sa isang misyon..
Siya din ang tinutukoy ko sa kanila Mommy at Daddy na huwag sabihin muna sa kanya ang misyon ko.
Ok lang naman sa kanya na may misyon ako kahit mahirap,alam niyang kaya ko yon pero pag nalaman niya na dito sa Pilipinas ang misyon ko ay alam kong sasamahan niya ako.
Na trauma na kasi ang kambal ko noong bata pa kami sa nangyari sa amin..
Well anyway,andito ako sa kwarto ko.
Oo may kwarto ako dito sa bahay niya.
Kambal kaya kami,dahil kung anong meron siya ay meron din ako.
Sa bahay ko nga sa Korea,ay meron siyang kwarto doon.
Bahay niya din sa Japan ay may kwarto ko.
Sa ngayon,hindi na ako magtataka kung sa isang iglap andito na ang kambal ko dahil malalaman niya din naman.
Walang sekreto ang mananatiling sekreto.
"Young lady,wala po ba kayong planong bumisita sa mundong ibabaw ng Pilipinas?"napalingon ako kay butler Danny.
"Wala akong plano,wala namang masayang laban na magaganap eh."i shrugged at sumubo pa sa ice cream ko na kanina ko pang nilalantakan.
"Eh Young Lady,have you heard about the DaLphas?"sabi niya.
Pagkarinig ko non ay naintriga ako.
To be honest,ang DaLphas pa ang nakakakuha sa akin ng atensyon kapag may gang na naririnig ko oh pinag-uusapan.
"Bakit?"tanong ko.
"Eh,tatanaw sila sa isang laban kung saan ang Red Dragons ay makakalaban si-"
Naputol ang sasabihin ni butler ng may biglang pumasok sa bahay."Alooooon!"
Obviously,si gurang yan.
"Why are you here?"tanong ko.
"Wala lang,magi-install pa ako ng bagong features mo dito sa computer lab a.k.a. secret room niyo ng kambal mo."sabi niya habang masayang pumapalakpak na parang bata.
"Go ahead."yan lang ang nasabi ko at lumantak na sa ice cream ko.
"Wooooooow,ice creammmmm?"sabi niya ay kinuha sa aking mga kamay ang isang gallon ng chocolate na ice cream.
"Wow,nahiya naman ako sayo mommy."sabi ko at pumunta sa kwarto ko.
Hmm,naisipan ko naman ang tanong ni butler kung wala ba akong planong bumisita.