Chapter 3

113 6 0
                                    

Wave's PoV

"Andito na po tayo Young Lady."saad ni butler.

Lumabas na ako ng limousine at ganito na naman ang eksena,nagkakaguluhang fangirls at fanboys.

Nakasunod na din yung limousine sa likod namin,yung limousine kahapon.

Naglakad na ako at hindi pinansin ang mga humahanga sa akin.

At ano ba ako?Isang artista?Tch.

Pumasok na ako sa school kahit maraming nakasunod sa akin na lalaki.

Tch,mga lalaki talaga.

Pumunta na ako sa room ko at umupo sa pinakalikuran na seat sa may window.

Sunod na sunod na pumasok ang mga teachers at proffesors para turuan kami.

Wala man lang akong ginawa kundi laging nakatingin sa labas at nagmumuni muni.

Well,sometimes nawawala ako sa pagmumuni muni dahil kung may sinong laging nakatuktok sa akin galing sa likod pero hindi ko rin lang naman ito pinapansin dahil hindi ako interesado.

Ngayon,4rth period namin at naglelecture si Proffesor Mendez.

He's hot and young,pero di ko type.Ngunit yung ibang babae hindi naman nakafocus sa lecture kung di sa kanyang kagwapuhan at pangangatawan.

Tsk tsk.

Narinig ko ang bell kaya nagpaalam na si Sir at lumabas.

May tumayo naman na babae at pumunta sa harapan.

"Attention Guys!Malapit na daw--"

Naputol ang kanyang sasabihin nang tumayo ako at iyon ang dahilan sa nakakairitang ingay ng upuan.

Ang tahimik din nila,ano bang ginawa ko?Tumayo lang naman ako ah?

At dahil gutom na ako,lalabas na ako.Kinuha ko na ang bag ko at pumunta sa pinto.

Wala na akong paki kung ano ang sasabihin niya,wala naman akong balak sumali sa kung ano-ano.

As I was walking to the door,all eyes were on me.Ang iba nagbubulungan.

Akma ko na sanang bubuksan ang pinto nang tumikhim yung babaeng nagsasalita kanina.

"Excuse me Miss Yuri,did I say na pwede na lumabas?"sabi niya na naiinis.

"Ano naman?"sabi ko at binuksan ang pinto at lumabas.

Bago pa ako tumuloy sa paglalakad palabas ay may humawak sa aking braso at hinila ako pabalik sa loob ng room.

Blangko lang akong tumingin sa mga kaklase ko at sa babaeng naiinis na nanghila sa akin.

"Ano ka ba Wave!Hindi porke't transferee ka,pwede ka na umasta ng ganyan sa mga teachers at lalong lalo na sa akin!"sabi ng babaeng nanghila sa akin.

"And who are you?"kalma kong tanong.

May biglang lumabas na details sa gilid niya.

Name:Crishan Delgado
Age:19

"Hindi mo pa rin ako kilala?!Ikalawa mo pa lamang na araw simula nung nag transfer ka dito sa school pero hindi mo parin ako kilala?!"galit niyang sabi.

"Malay ko,wala akong paki sa paligid ko."sabi ko at namulsa sa aking skirt at sumandal sa gilid ng door.

"Ako ang president dito sa room,at sa ayaw at sa gusto mo,susunod ka sa akin dahil ako ang presidente!"sabi niya.

The NightwalkerWhere stories live. Discover now