Chapter 11

73 5 3
                                    

Tyson's PoV

"Alon,saan mo balak sumali na club para sa sports war?"sabi ko at kinain ang masarap na burger.

Nadito kami ngayon sa cafeteria kumakain dahil lunch na,ngunit itong si Alon,hanggang ngayon hindi niya kinakain ang pagkain na inorder ko para sa kanya.Kahit man lang hawakan wala pa!

Wala akong nakuhang sagot mula kay Wave kaya tinignan ko siya.Nakita ko siyang nakatulala at parang wala sa sarili.

"Hoy,sumagot ka."sabi ko ngunit hindi man lang siya natauhan.

I sigh.

Sorry Wave pero kailangan kitang gisingin ngayon!Plus,once in a lifetime lang kaya ako makaganti sayo?Ganti ko na to sa pagpapabili sa akin kahapon na mataas ang pila sa caf!

Inihanda ko ang sarili ko sa aking gagawin.

"AKIKO WAVE YURI,GUMISING KA,KAHAPON KA PANG GANYAN!"sigaw ko sa kanya kaya nakatingin sa amin ngayon ang lahat ng tao.Nakuha ko din ang atensyon niya.

"Ano ka ba Tyson!"sigaw niya din at binatukan ako.Kinuha niya ang tray niya at lumabas ng cafeteria.

Napangisi naman ako sa ginawa ko kahit ang sakit ng batok ko.

Mission accomplished!

Kinain ko na ulit ang aking burger ngunit may biglang tumabi sa akin.

"Tyson,if you don't mind,makikiupo kami ha?"

Tinignan ko naman kung sino ang nagsalita.

"Oy,sure Khai."ngiti kong sabi sa kanya.

Nandito lahat ang limang hari ng Sky High Academy,nakaupo sa usual table namin ni Wave.

"Anong nangyari pala doon kay Wave?Ba't mo sinigawan?"tanong ni Genesis.

"Ah,di ko alam.Kahapon pa nga yun eh.Palagi na lamang tulala.Kaya sinigawan ko."umiiling iling kong sabi at lumantak sa aking burger.

Nakuha naman ng limang hari ang aking atensyon ng bigla silang tumahimik.Tinignan ko silang lahat na nakatingin kay Zayn.

"Anong ginawa mo kahapon kay Wave?"tanong ni Liam.

Teka..

"Diba kayo ang last na kasama niya kahapon?Pagkatapos non, noong magsiuwian na kami,tulala lang siya boung hapon hanggang ngayon."bulong na may banta kong sabi.

"Anong ginawa niyo kay Alon?!"banta kong sabi na pabulong.

"Aba,pinalabas kaya kami ni boss at sila ang nag-usap sa room."sabi ni Khai.

Tinignan ko naman si Zayn na may pagbabantang mga mata.

Hinding-hindi ko talaga mapapalampas ang kahit sino kung sino man ang manakit at mangbanta kay Alon!

"Anong ginawa mo sa kanya?"galit kong sabi pabulong.

"Oh,bakit ka ba ganyan maka react.Friends lang naman kayo."sabi naman ni Genesis.

"Ako na ang nagsasabi sa inyo,wag na wag niyong sasaktan si Alon dahil sisiguraduhin ko na mawawala kayo sa mundo pagnalaman kong sinaktan niyo siya."seryoso kong sabi at iniwan sila.

Hindi pwedeng saktan ang nag-iisang Akira Violeta Wave Yamamuto dahil sapat na ang dinanas niyang sakit noon pa.

And I'll make sure that she won't get hurt again.

The NightwalkerWhere stories live. Discover now