Wave's PoV
Andito ako ngayon nakasakay sa limo papunta sa Sky High Academy.
Yesterday was hell.
After we got back at school from our 'supposed to be date' ay pinagkakaguluhan na kami ng mga tao.
Kinikilig sila sa amin,and then again para makatotohanan ang relationship namin ay pinapakita din naming sweet kami.
And as if ginusto ko yun.
Eww,ayoko naman talagang makipaglambingan sa freak na yun!Pero hello?May laro kami?At ayokong matalo!
Andito na kami malapit sa entrance gate ng school and todays unusual dahil walang limo nila Zayn ang nakasunod.
I guess they are going to be late.
Nang nasa tapat na kami ng gate ay may nakita akong limang lalaking hindi ko inaasahang maghihintay sa akin.
Ang Limang Hari ng Sky High.
The Five powerful Kings.Lalong lalo na si Zayn.
Lumabas na si butler para buksan ako ng pinto ngunit lumapit sa Zayn kay butler at may sinabi.Napangiti at nagbow nalang si butler at bumalik sa drivers seat niya.
Binuksan ako ni Zayn ng pinto at inilahad ang kamay.
What's with the get up?
Kinuha ko naman ang kanyang kamay at lumabas.
And screams was filling the air.Students with pink eyes staring at us with amusement at kinikilig.
"Ano naman ba tong pakulo mo Zayn?"bulong ko sa kanya.
"Just go with the flow,ayaw mo ba ng ganito?You should be thankful na isang leader ng Limang Hari ang gumaganito sa iyo."he whispered and smirked.
"Ang hangin." I rolled my eyes.
We started walking,the four kings are with us.Zayn's hand held my hips giving signals to some guys who were staring at me that I'm his.
"Alam mo Wave,you should smile more,mas lalo kang gumaganda pag nakangiti."rinig kong sabi ni Khai habang kumakain ng chocolate bar.
"And talking about smile,hindi pa talaga kita nakitang ngumiti."sabi naman ni Genesis.
"I don't like expressing my feelings."I coldly said.
"Alam mo,bagay talaga kayo ni bossing.Ang lalamig niyo!"sabi naman ni Khai at tinapos ang kanyang chocolate bar at kumuha na naman ng lollipop.
Naglakad na kami papasok ng building namin,still,Zayn's hands holding me tightly with our bodies touching each other.
Nang nakarating kami sa floor namin ay nakita ko naman si Tyson na nakaabang sa labas ng pintoan.Nag-aabang yata sa akin.
Saan ba kasi siya kahapon?Tss.
We stopped infront of our room,and infront of Tyson.
Tyson got this confused face.
"Did I miss something?"sabi ni Tyson.
"A damn lot Tyson."sabi ko at pumasok na sa room.
As I walked across the room,some students were staring at me with a twinkling eyes and some with jealousy.
Umupo na ako sa aking upuan at inilapag ang bag ko sa ilalim ng table.Sumunod naman ang limang hari at si Tyson.
Imbes na si Khai ang katabi ko ay naging si Zayn at si Khai na ngayon ang nasa likod ko.