Chapter Two

114K 4.8K 1.2K
                                    


Pool side

Miguel Amriel Consunji's

"Bakit ngayon ka lang? Hindi mo ba kami nami-miss ni Mama?"

"Huh?"

The little girl was jumping with so much excitement. I know, I can see it in her eyes. Para ba siyang nakakita ng candy sa store na gustong – gusto niya. I shook my head. Muli na naman niya akong niyakap.

"Daddy, karga mo ako! Dali!"

She smiled at me and I saw her teeth, kulang ng isa iyon sa unahan. Napailing ako saka bahagya akong lumayo sa kanya.


"Dad!" She called me.


"Sir, let's go. Everything is settled." Sabi naman ni Abby sa akin.

"Dad!" Sigaw ulit noong bata. Hinayaan ko siyang lumapit sa akin. Umupo naman ako para magkapantay na kaming dalawa. "Ang gwapo – gwapo mo Dad!" She said. Nilamutak niya pa iyong mukha niya.


"Listen, what's your name, Princess?" I asked her.


"My name is Mia Cara Rojas. My name means my heart. I am eight years old and I believe in the saying that when there's light, there is life and love. I, thank you." Nag-bow pa siya sa harapan ko tapos ay inilagay ang dalawang kamay niya sa baywang na para bang kasama siya sa isang contest.

"Alright, Mia, listen."

"No, no, no, Daddy. Not Mia but Mia Cara. Say it, Mia Cara. Mi-a Ca-ra." Binagalan niya iyong pangalan niya. Napailing ako.


"That;s mouthful, may iba ka pang pangalan?"

"Opo, Daddy. Macang po. Tinitawag akong Macang ni Mommy kapag matagal akong magpupu o kay man po matagal akong sasagot kapag niko-call niya ako." Nagulat ako nang yakapin niya ako. I have no idea who her mom is o where she came from, sasabihin ko sa kanya na hindi naman ako ang daddy niya. Bahagya ko siyang inilayo sa akin.

"Daddy love kita kahit na ngayon pa lang kitang nakita. I had always dream of seeing you, Daddy!" She hugged me again. Napatingin ako kay Abby na huling – huli kong kinukuhanan ako ng picture.

"Mia Cara, right?" I asked her. Kinuha ko ang kamay niya saka ako tumayo. "Sama ka sa akin sa Villa ko." I smiled at her.

"Okay po, Daddy! Yes! May Daddy ako! Hindi na ako tutuksuhin sa school!" She said. Napapapalakpak pa siya. Habang naglalakad kami ay nagtatalon pa siya habang kumakanta ng let it go. Pinagmamasdan ko lang siya.

She is a kid with so much love in her heart. Maybe, also, a kid that is longing for her father. Nakakaawa lang na hindi niya kilala ang Daddy niya. Lima kaming magkakapatid at lumaki kaming mahal na mahal ng mga magulang namin. And right now, I am feeling kind of sympathetic for her. Nakarating kami sa Villa. Habang nakatingin ako sa uniform ng staff ay naalala ko kung anong pangalan nitong bata.

Siguro anak siya noong may – ari. We went inside the villa. Malaki iyon. May dalawang kwarto sa ibaba at dalawang kwarto sa itaas, may kitchen rin at may living room. It had the view of the ocean.

"Daddy, dito din ako mag-sleep?" She asked me.

"Nasaan ba ang mommy mo? Siya ba iyong nagsabing Daddy mo ako?"

"Opo! Nibigyan niya ako ng pictures. Ito o." Inilabas niya mula sa bulsa ang kung ano at ibinigay iyon sa akin. I saw myself. Iyong binigay niya ay papel ng magazine. Napailing ako. Nakompirma kong hindi ko kilala ang nanay noong bata dahil dito, hindi naman kasi iyon magbibigay ng cut out sa magazine kung kilala niya ako, printed ang ibibigay niya.

Broken ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon