Chapter Nine

108K 4.4K 831
                                    

It's on

Mariah Carina Rojas'

"Ano iyan?"

"DNA test."

Kulang na lang ay umusok ang ilong ko habang magkausap kami ni Miguel nang gabing iyon. Tulog na si Mia Cara sa kama, ako ay nasa couch samantalang siya ay nasa may balcony kasi naninigarilyo siya. Habang nakatingin ako sa kanya kanina ay bigla kong naalala iyong unang beses ko siyang makita, iyong nag-show siya na akala mo siya si Adan sa Villa number 7! Tuloy ngayon kapag nakakakita ako ng lata ng sardinas tapos ruler, siya ang naaalala ko. My god! Ang sagwa – sagwa ng utak ko.

Napansin kong may hawak siyang envelope noon kaya tinanong ko kung ano iyon. At iyon nga ang isinagot niya sa akin. Nanlalaki na naman ang butas ng ilong ko tapos iyong mga mata ko halos lumuwa na!

"Ipina-DNA test mo ang anak ko nang hindi ko alam?!" Sumigaw ako. He just looked at me.

"Of course not." Tinapon niya ang sigarilyo niya saka pumasok at naupo sa tapat ko. "This is fake." He said. "Ipinagawa koi to because I know that my parents will ask for DNA and this will be given to them if and when they ask."

Nakahinga naman ako nang maluwag. "Tsk, ganyan ba talaga kamayan ang pamilya ninyo para ipagdamot ninyo ang pera ninyo sa ibang tao?"

"Hindi mo ba binasa iyong history ng pamilya namin? I gave that to you kasama noong script kung paano tao nagkakilala."

"Nabasa ko nga. It all started with that old Spanish man who came here in the 17th century, blah blah blah hanggang sa nagkaroon ng Fabian Consunji na nakilala si Adel, they had two children, si Augustus na lolo mo tapos si Asuncion." Napatigil ako. "Nasaan si Asuncion? Wala kasing nalalagay dito."

"Hindi ko alam." He said. 'Naglayas siya noon at sumama sa isang trabahador sa asukarera noong araw. Wala kaming alam sa kanya although ang sabi ng ilan kong pinsan at ni Daddy, noong buhay si Lolo nakausap niya iyong isang anak ni Asuncion. But I have no idea what happened..." Clueless na wika niya. "Alright, lest put you to test, paano tayo nagkakilala?"

"Well, sabi dito, nagkakilala tayo sa isang event sa school namin na company ninyo ang organizer. It wasn't love at first sight, we were friends first tapos it developed into something more. We dated for months and then nawala ka kasi nalaman mong buntis ako. Naduwag ka and the rest is history."

"Very good." He said na para bang estudyante niya ako at siya ang teacher.


"What's my favorite color."

"Black."

"Band?"

"Matchbox 20."

"Food."

"Kare-kareng ox tail. With so many bagoong."

Napatitig ako sa kanya bago siya ulit magtanong.

"Bakit ba kailangan nito?"


"Mausisa ang Mama ko. Alam kong magtatanong siya ng ganyan so you better memorize it all." I rolled my eyes.

"Ako mine-memorize ko ito, ikaw ang alam mo sa sarili ko?"

"That you are a very loving mother to your daughter. That you can and will do everything for Mia Cara because she is your life and you love her very much."

Napatitig ako sa kanya. Hindi ko mapigilang mapangiti sa narinig ko. Pasimpleng tumawa ako saka binato siya ng unan.

"Ito tang ina rin nito, suntukin kita sa ribs."

Broken ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon