Chapter Eight

110K 4.5K 568
                                    

Assurance

Mariah Carina Rojas'

"Maa, inaway mo si Daddy? Di daw kayo bati eh."

Napatitig lang ako kay Mia Cara matapos kong marinig ang sinabi niya. Ako pa talaga ang nang-way sa ulol na iyon. Hindi ko nga siya inaano, kaya lang bwisit na naman ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Hindi niya naisip iyong mangyayari kapag natapos na ang business deal na ito. Paano ko ipaliliwanag sa anak ko ang kasinungaling sinimulan niya? Ayos na noon, alam niyang hindi si Miguel ang Daddy niya pero iyong ginawa noong gago na sabihin na nag-away lang kami kaya ganoon ang reaksyon ko – hindi tama. Lumabas pa akong sinungaling sa mga mata niya. Hindi tama iyon.

Miguel will never stay. That's for sure. Hindi naman siya pang – long term goal. May hidden agenda siya kaya siya nandito at kapag nakuha na niya ang bagay na gusto niya, mawawala siyang parang bula. Hindi siya nag-iisip.

Mia Cara's heart will be broken after this. She will be the collateral damage of this shit and I don't want that.

"Macang..." Sabi ko sa kanya. Naglalakad kami sa may dalampasigan nang hapong iyon. Kahapon siya nakalabas ng ospital at nang makauwi kami rito ay may mini party pang inihanda para sa kanya si Yves at si May Laurence. Lahat ng paboritong pagkain ni Macang ay pinaluto nila. I was so happy pero pagbaling ko sa kaliwa ko ay nakita ko si Miguel, nayamot lang ako.

"Po?"

"Anong sabi ng Daddy mo sa'yo tungkol sa kanya?"

"Ah! Sabi po ni Daddy siya daw talaga iyng daddy ko pero noong college ka daw, naduwag siya noong nalaman niyang may baby na ikaw at siya kaya niiwan niya ikaw. Pero ngayon daw gusto niyang magbawi kasi, Maa, love niya ako."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, matalino si Mia Cara at matandain siya sa mga bagay – bagay. Alam kong hindi na niya makakalimutan ang sinabing iyon sa kanya ni Miguel Consunji.

"Nak, love na love kita, kahit anong mangyari, love na love kita. Hindi ko hahayaan masaktan ka."

"Alam ko iyon, Maa, kaya love na love kita. I love you, Maa!" Niyakap niya ako. I kissed her forehead tapos ay magkapanabay kaming naglakad papunta ng mess hall. Pagdating namin roon ay naroon si Yves, si May Laurence at si Spica. Kasama niya iyong anak niya.

"Hi Mori!" Bati ni Mia Cara.

Naupo naman ako sa tabi ni Spica. Ngayon ko lang siya nakilala pero pakiramdam ko sobrang lakas ng tama niya. Medyo malibog din siya kasi madalas ko siyang naririnig kasama iyong jowaan niyang anak daw ng former president ng Pilipinas.

"Kailan ba ira-raffle iyong premyo?" Inis na tanong ko. Nagkatawanan iyong mag-jowa. Mukhang masaya naman silang dalawa, ako lang yata talaga ang hindi masaya dahil hanggang ngayon hindi ko pa nakukuha ang premyong para sa bubwit ko.


"Sa Christmad Party nga." Sabi ni Yves sa akin.

"Wala naman akong pakialam sa pera mas gusto ko iyong all – expenses pair sa Disneyland. Para kay bubwit iyon." Sabi ko pa. Nagkatawanan iyong dalawa. Napansin kong nakatingin si Yves sa labas ng mess hall, alam ko na kung bakit, nasa labas na kasi iyong dalawang bata at kasama na nila si Miguel at iyong jowaan ni Spica.

"Bakit magkakilala sila?" Tanong ko. Si Spica ang sumagot.

"Iyong asawa ng kapatid ni Liu, pinsan ni Mig Consunji. Saka matagal nang supporter ng mga Calimbao iyong mga Consunji kaya magkakilala sila."

I watched them. Nagpapalipad sila ng saranggola. Nagulat lang ako ng bigla na lang akong hampasin ni Spica sa braso.

"Jowa mo ba iyan?" Tanong niya sa akin.

Broken ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon