Chapter Eighteen

135K 5.4K 794
                                    

Thank you

Miguel Amriel Consunji's

"Mariah, let's go."

Hindi siya gumagalaw. Iyak lang siya nang iyak habang nasa loob kaming dalawa ng kotse. Nasa harapan na kami ng resort niya. I was thinking of seeing my daughter. Pagkatapos ng nanyari sa school, pagkatapos nang ginawa ng teacher na iyon sa anak ko ay kailangan ko siyang makita pero hindi ako makagalaw hangga't hindi gumagalaw si Mariah. Hindi ko siya pwedeng iwanan kasi baka kung anong mangyari sa kanya.

Iyak siya nang iyak. Kuyom na kuyom ang mga palad niya.

"Kasalanan ko ito." Anas niya. "Hindi ko na dapat pinapasok si Mia Cara." Humihikbing wika niya. "Nakalimutan ko kasi. Akala ko... akala ko. Kasalanan ko ito." Bigla na lang niyang hinampas ang ulo niya. Nagulat ako. Agad ko namang kinuha ang kamay niya para tumigil siya. Reluctant pa nga ako dahil baka bigla na lang siyang sumigaw kapag hinawakan ko siya but she didn't budge. Tiningnan niya ako. Mugtong – mugto na ang mga mata niya.

"I am a bad mother." She cried frantically. "I am a bad mother. I failed as a human being, as a mom. I failed. I am a bad mother."

"You're not." I said. Iyon naman ang totoo. Hindi ko alam kung anong buong pangyayari sa buhay niya o kung paano siya nakarating kung nasaan siya ngayon pero alam kong hindi siya masamang ina. Looking at Mia Cara, listening to her as she talks, it only shows that Mariah did a great job raising my kid.

"I am! Sabi ko, sabi ko hindi mararamdaman ni Mia Cara iyong naramdaman ko noon! But what happened today huh?! It's all my fault!" Humagulgol siya.

"It is not! One mistake doesn't define your whole being, Mariah. You're not a bad mother. Marami lang talagang masamang tao sa mundo at isa na iyong teacher na iyon and I swear on my family's name I will do everything to give him hell on earth."

Natulala lang siya sa akin. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Pakukulong mo siya ha. Please, please..." Humihikbing wika niya.

"I will do more than that." I assured her. "Now, please, Mariah, can we go to Mia Cara? I want to see her." Sabi ko. Tumango naman siya. Nauna akong bumaba ng kotse para ipagbukas siya ng pinto. Nauna naman siyang lumakad at pumunta sa cottage na bahay nila. When we got there, sinalubong kami ng katahimikan. We both went upstairs – sa kwarto mismo nila. Naroon si Mia Cara, nanonood ng tv habang kumakain ng pancit canton. Katabi niya iyong isang babaeng staff. Namilog pa nga ang mga mata niya nang makita ako at ang Mommy niya.

"Ay! Si Daddy! Hmp! Iiyak na naman ang Mommy ko, Ate Mina! Kasi laging pinapaiyak ni Daddy si Mommy."

"Ay ganoon?" Sabi noong Mina. Tumayo naman siya at tumingin kay Mariah. "Ma'am nagising po kasi hinahanap kayo tapos nagugutom sabi gusto daw niya ng pancit canton. Iinom na lang daw po siya ng maraming tubig."

"Okay lang, Mina. Si Yves?" Tanong niya.

"Nasa office po. Papupuntahin ko po ba dito? Nag-aalala rin po siya kay Mia Cara nagtataka po kung bakit maagang umuwi."

"Hayaan mo na andito naman na kami. Salamat Mina." Sabi ni Mariah. Lumabas iyong staff. I locked the door. Nakatingin si Mia Cara sa akin. Nakahalukipkip pa siya na para bang inis siya sa akin.


"Maa, ba't siya nandito diba nag-iiyak ikaw? Narinig ko si Tita sabi niya di daw kayo bati ni Daddy."

"Anong sabi ko sa'yo, diba sabi ko sa'yo love na love ka ng Daddy mo?"

"Pero love ka ba niya?" Mia Cara asked. Napatitig ako sa kanilang dalawa. "Ano, Daddy, love mo ba si Mommy?"

I looked at Mariah. Naupo na rin ako sa kama kasama nilang dalawa.

Broken ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon