Chapter Seven

114K 4.4K 925
                                    

Sobrang gago


Miguel Amriel Consunji's

"We can discharge her now. She's okay."

I was just watching Mariah's facial expression while she was talking to Mia Cara's doctor. Noong una, kagat-kagat niya lang ang labi niya pagkatapos ay iyong kuko niya naman ang kinagat niya, matapos iyon ay dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa labi niya nang sabihin ng doctor na lalabas ng ospital si Mia Cara. Nagulat ako nang yakapin niya ang doctor. Bumaling naman ako kay Mia Cara na nakatingin lang sa tv. She was wearing her jammies, nakatiritas ang buhok tapos ay umiinom ng dutchmill.

"Daddy gusto mo?" Biglang tanong niya. "Sipsip ikaw. Sarap ito. Milk na yogurt."

"Sure." I took a sip. Masarap nga.

"Sarap diba?" Napatango na lang ako. Napansin kong lumabas na iyong doctor. Lumapit na si Mariah sa amin.


"Nak, lalabas ka na daw! Kailangan na lang na maubos ng swero mo tapos uuwi na tayo!"

"Yey! Mommy na-miss ko na sila Kuya Jeff saka si Tito Yves!"

"Miss ka na rin nila. Sure iyon. Nak, h'wag kang hindi na kakain ha. Nag-text si Tito Gael mo, dadalhan ka daw niya ng boneless na tinapang bangus, diba gusto mo iyon?!"

"Opo! Tapos may kamatis saka itlog na maalat. Kumakain ka noon Daddy? Kasi sarap iyon!"


"Hindi." I smiled. "Pero ta-try ko. Excuse me." I excused myself and left the room. Nagpunta ako sa billing station para i-settle ang bill ni Mariah, habang naghihintay ako roon ay nakita ko bigla si Kairos kasama si Ada. Kinawayan ko sila.

"Man, what are you doing here?" Nag-shake hands pa kami. Si Ada ay nagmano sa akin.


"Good morning po, Uncle Miguel. How are you po?"

"I'm okay, Adaline. What are you doing here?"

"Iake's mom called her saying na naospital iyong anak ni Mariah. Iake's very worried. So, we came. Papasok na siya pinababa niya lang sa maids iyong mga dala namin."

"Ano namang dala ninyo?" As if on cue nakita kong papasok si Mariake kasunod iyong mga maids niyang may dalang fruitbasket, cake, lobo, teddy bears at kung ano – ano pa.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Kairos asked.

"Oh, Miguel is here." Nakita na ako ni Mariake. I smiled at her. Saka naman ako tinawag sa bills and payments.

"Sir Consunji, heto na po iyong bill ng anak ninyo."

"Anak?" Anas ni Kairos.

"Yes. Si Mia Cara. Iyong anak ni Mariah Rojas."

"What?!" Sumigaw si Mariake. "What did you say?! What did you say, Miguel?!"


Hindi ako agad nakapagsalita. I just looked at her habang inilalabas ko iyong credit card ko para ibayad doon sa bills and payments. Para siyang nag-transform.

"Ulitin mo ang sinabi mo?!" She yelled. Napatingin sa amin ang mga tao.

"Iake, calm down. Mag-usap na lang tayo doon sa suite ng bata." Hinawakan ni Kairos si Mariake sa balikat. "Let's go. Saan ba, Miguel?"

"Thrid floor, room 307."

Sumunod ako sa kanila. Naririnig kong bulong nang bulong si Mariake habang naglalakad kami.

"Talk to him, Kai. I am so stressed right now. Talk to him."

"I will. Just calm down."


"Pa, galit po ba si Mama?" Adaline asked.

Broken ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon