Chapter Ten

116K 4.4K 1.4K
                                    

Boom

Mariah Carina Rojas'

"Wala sa usapan natin iyon!"


I hissed at Miguel. Kung kanina ay natutuwa ako sa ngayon, ngayon, inis na inis ako sa kanya. Nasa loob kami ng silid sa bahay ng mga magulang niya. Si Mia Cara ay nasa Lolo at Lala daw niya at nakikipakwentuhan. Magkaharap kaming dalawa sa silid na iyon at kasalukuyang nagdidiskusyon sa sleeping arrangements pagdating namin sa CLPH bukas ng hapon. Sinabi niya sa aking wala akong magagawa kundi ang makisama sa kanya sa iisang kama. Ayoko noon. Hindi ako magiging komportable.

"Hindi naman ganoon agad, if and when Mama asks for Mia Cara. It will only be the two of us." He told me.

Hindi ako tumatabi sa kanya nang wala si Mia Cara sa gitna naming dalawa. Actually hindi nga ako komportable nang basta na lang niya akong hahawakan. Kanina nang halikan niya ako ay muntik na akong sumigaw, hindi dahil sa nagulat ako kundi dahil bigla akong nakaramdam ng paghihimagsik. Maybe it was because of what I had to go through before. I was never pkay with someone just touching me. Noong naging boyfriend ko si Gael, halos isang taon ang lumipas bago ako naging komportable sa pakikipagholding – hands sa kanya, the only time we kissed was when we broke up. Ayoko kasi, pakiramdam ko nakakadiri ako kaya ayokong magpahawak.

"Pwede hindi ako tatabi sa'yo." I told him.

"Well I'm not sleeping in the couch." Parang naiinis na tanong niya.

"Then, I'll sleep on the couch. Tapos na ang usapang ito."

"Ikaw ang bahala. How will you explain that to my mother, huh?"

"Akala ko ba matalino ka? Ang alam ng mga magulang mo, hindi naman tayo, kumbaga, we're on the verge of getting back together kaya ayos lang kung sakaling hindi man tayo magkatabing matulog sa iisang kama, gago ka, para-paraan ka rin. Hindi kita type, kaya sorry na lang kung type mo ako." Wika ko sa kanya.

"Hindi kita type. Gusto kong mapangasawa ay virgin." Napakunot ang noo ko.

"Aanhin mo iyon? Iaalay sa kulto? Gago! Wala na kung virgin o hindi ang babae. Hindi doon nasusukat ang purity niya. Oo, virgin nga wala namang alam sa buhay, wala namang utak. Virgin lang siya. Kayong mga lalaki ang taas ng stadards ninyo, di sana kung virgin din kayong haharap sa amin e di wow sana!"

"There are many girls dying to be in your place right now, Mariah tapos nakikipagbangayan ka lang sa akin? What the hell are you?"

"Ako iyong babaeng hinding – hindi makikipagpatayan para lang sa'yo kaya 'wag kang umasa. Fuck you ka rin talaga e." Inis na wika ko. Lumabas ako ng silid na iyon at hinanap na si Mia Cara. Ang sabi kasi ni Miguel ay dito kami matutulog ngayong gabi at bukas daw ng eleven ng umaga ay sabay – sabay kaming aalis papunta sa CLPH. Hindi pa ako nakakapunta roon, alam kong naroon si Mariake ngayon, naisip ko nga kung nakapag-usap na ba sila ni Mama, sure akong sinumbong na naman ako ng magaling kong ina sa kanila. Wala naman akong pakialam, wala naman akong repustasyong kailangang alagaan dahil sa totoo lang, matagal naman nang sira iyon.

Nakita ko si Mia Cara sa may hammock at kasama ang Lola niya. They were reading something. Dahan-dahan akong lumapit sa kanila.

"Nak, lika na muna maligo muna kasi mamaya matutulog ka na."

"Ay, lola sabi ni Mama, maliligo muna po ako ha. Mamaya po ulit."

Ngumiti lang iyong Mama ni Miguel sa akin. Muli niyang inabot ang kamay ko at sa pagkakataong iyon ay niyakap niya ako nang mahigpit.

"Mariah, maraming salamat ha. Ang tagal – tagal ko nang naiingit sa mga bilas ko dahil may mga kanya - kanyang apo na. Palagi kong hinihiritan ng apo iyong mga anak ko, buti na lang dumating kayo sa buhay namin." She smiled. I suddenly felt guilty. Paano kaya ang mangyayari kapag nalaman nila ang totoo na hindi naman anak ni Miguel si Macang? I smiled again.

Broken ArrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon