I - the 3 words

8 1 1
                                    

》YUKI'S POV《

"San ka na naman pupunta ha Yuki? Naku! Lagot kang bata ka. Lagi ka nang gumagala. At saan ka na naman pupunta aber?" Sita na naman ni nanay Glen. Mula pagka bata siya na ang nag-aalaga sakin kaya grabe nalang ang pag- alala niya pag aalis ako.


"Nay naman, di pa po ba kayu nasanay sakin?" Daig ko naman


"Ahh!! Basta di pa nag alas nuebe nandito ka na. Ok?"


I smirked. Di na ako sumagot at umalis na.


Mula dito. Tanaw ko ang magandang tanawin sa kabilang isla, dito ako gumagala pag na boboringan ako sa Merida, mas gusto ko pa kasing mamuhay na normal kesa sa buhay ko ngayun.


Gusto ko sanang tumakas pero hindi pwede eh. Di ko kilala sino ang mga magulang ko at naman ipa-alam ni Nanay Glen, kaya hanggat di pa malinaw sakin ang lahat, wala muna akong gagawin baka pagsisihan ko pa yun.


Walang nakaka-alam, at wala pang nakakakita kaya kung maaari dapat kaming mag-ingat. Baka pagkaguluhan ang tribo namin.


Bababa na sana ako dahil wala pa akong nakikitang tao. Ng......


"Aww!! Ang sakit nun Aga" rinig kong daing ng isang babae kaya wala sa oras akong tumago sa may malaking kahoy


"Hehehehe peace✌"


"Aarghh nakakainis ka, kung di mo sana ako iniwan, di sana ako nagmadali at nadapa"


"Sorry na nga. Nga pala, dito yung sinasabi ko sayu"


》AGA'S POV《


"Sorry na nga, Nga pala, dito yung sinasabi ko sayu" sambit ko kay Maya.


Dali dali naman siyang lumapit sakin


"Woah!! Ang ganda ng view. Gosh!! Aga, bakit ngayun mo lang ako dinala dito? Woah! May ganito palang lugar dito sa bayan?" Manghang sabi ni Maya


Nandito kasi kami sa edge ng cliff. Umupo ako at sumunod naman si Maya sakin. Mula pagkabata ko hanggang ngayun, dito ako laging tumatambay dahil feeling ko, mawawala lahat ng problema sa mundo pag titingnan mo ang mga tanawin. Di na ako nabigla sa reaksyon ni Maya dahil maganda pa sa mas maganda ang lugar na nandito kami ngayun.


At sa lugar na ito nagsimula lahat. Hinding hindi ko yun makakalimutan dahil isa yun sa pangyayaring nakapagbago sa buhay ko 4 years ago.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Wing's PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon