CHAPTER THREE :

22 2 2
                                        

THE ROYAL FAMILY

( YURI'S  P. O. V )

Maaga akong nagising ngayon. 5 am, eh panu ba namang hindi eh 4:30 pa lang nagsisisigaw na yung napakalaking alarm clock sa side table ko. Nilagay ata talaga ni ate Alice yun duon. Alam ata neto yung ugali ko na napakatamad bumangon ng maaga.

Pag gising ko naka handa na yung dapat kong suotin, Red cocktail dress na napakasm0oth ng tela at medyo pa bukad kad ang style.

Agang dress naman to.. Tsk tsk.

Paglabas ko ng banyo nagbihis agad ako . Dun ko napansin yung monitor sa may dingding.. Para syang T.V pero screen lang at eto ang nakasulat..

YURI AZUSAGAWA'S SCHEDULE

[FOR TODAY : 06-16-14 ]

7:00 - breakfast with the ELITES

8:00 - meeting with the Tutors and Drivers

10:00- discussing the RULES with Ms. Castillo

12:00 - lunch with the Montealegre's

1-5:00 - tUtorial class

..

wow .. mami meet na namin sila sa wakas ..

Nagmadali na ako sa pagbihis. I was about to fix my hair ng may narinig akong mga katok.

'Tuloy po..'

'Good morning Prinsesa.' nakangiting bati sa akin ni Ate Alice.

'Morning po.'

Tumingin ako sa kanya ng maramdaman kong hindi sya nag iisa. At tama ako may kasama syang 3 babae ,

'Si Lilie po, ang magiging taga linis ng kwarto mo..' pagpapakilala ni ate Alice sa isang babaeng medyo maliit.

'Si Jenny naman po ang magsisilbing designer at taga tahi ng mga damit mo.. at si Carol, ang make up artist mo.'

'Good m0rning Prinsesa..' bati ng tatlo.

'Naku hindi po ako Prinsesa.. Pauper lang.. hehe' 'aNyway, good m0rning din po and nice meeting you all.. ' nakangiti kong bati sa kanila..

'Kami na pong bahalang mag ayos sayo.' ani Carol.

'Naku wag na po, kaya ko na po ito.' protesta ko..

Pero di nila ako pinakinggan.

Inagaw sakin ni Jenny yung suklay at inumpisahan ang pag aayos ng buhok ko. Si ate Carol naman ang nagme make up sakin. Nakita ko sina ate Alice at Lilie na papaalis na.

Maya maya pa napansin kong tinititigan ako ni ate Jenny at umiling iling, iniwan nya ang pag aayos ng buhok ko at lumabas ng kwarto.

'San po pupunta yun ?' i asked ate Carol.

'Hindi nya siguro nagustuhan ang damit mo.' sagot nito.

'ganun ??' tiningnan ko ang damit ko.. 'Maganda naman ah.'

Maya maya pa bumalik na ito at may dalang kulay blue na dress na heart shape ang pag ka tube. Maihahalintulad sa Feathers ang tela nito pero hindi naman talaga sya feather. May dala rin syang pair of silver heels na mga 3 inches ang taas.

'Bagay to sayo, lalo kang puputi. At gaganda.. 'Nakangiting sabi nito.

Ngumiti na lang ako.

Ipinagpagtuloy na nila ang pagpapa ganda sa akin. Inilapag lang ni ate Jenny sa kama yung dala nya at bumalik sa pag aayos ng buhok ko. Kinulot nya yun at hinayaang nakalugay.

The Perfect OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon