11

2.8K 56 7
                                    

Sugar's POV

Nandito ako sa dorm ng mga tropa ko. Kwinento ko sa kanila yung mga nangyaring kababalaghan samin ni Bear.

"FINNAAAALLLLLYYY!! OFFICIAL NA!!!" Sigaw ni Mochi.

"Tangi! Di pa! Hinalikan ko lang sya tapos pagkatapos nyon Namula mukha nya. Umalis sa Rooftop. Hayysss! Good times. First kiss ko rin naman nyun." Sabi ko.

"Ay weh!? Seryoso ka Hyung?? Kasi alam ko di na Virgin yang lips mo kakahalik sa mga chicks dyan eh." Sabi ni V. Taena!

"Gusto mo pumunta sa langit?" Tanong ko.

"AY OO! DREAM KO PUMUNTA DUN PARA MAKITA SI GOD!!" Sabi ni V.

"Magpahulog ka sa bulkan. Tutal gusto ka naman kainin nyun eh." Sabi ko sa kanya at tumahimik naman sya. Si Mochi naman tawa ng tawa na parang ewan.

Pumasok nalang muna ako sa kwarto ko at humiga. Iniisip yung labi ni Bear.

Next day.......

Bear's POV

Nandito na ako sa school. Linalagay yung bag ko sa desk. Wala pang teacher so pumunta muna ako sa cafeteria. Tutal ang aga pa naman eh at di pa ako nag aalmusal.

Nag-order akong Garlic Bread at kumain sa bench malapit sa fountain. Yes! May fountain kami.

Habang kumakain ako, biglang may sumulpot na impakta sa likod ko.

"Aray ko! Ang bigat mo!" Sabi ko.

"Uy ate!! Bigyan mo ako nyan!" Sabi sakin ni Yeri.

"No and never. Ba't ko bibigay pagkain sayo, importante to sakin eh." Sabi ko sakanya.

"Ehhh! Ate, lahat naman ng pagkain importante sayo eh. Bilis na bili ka nalang dun." Sabi nya. Wow! Ako pa bibili. All the way around nalang.

"Umalis ka dito nagdadate kami ng pagkain ko. Di ka naman importante kaya umalis ka ditong Squirtle ka!" Sabi ko at tsinupi ko sya.

"Ate, bilis na! Libre kita mamaya." Sabi ni Yeri at tinaasan ko naman kilay ko.

"So? Ano pake ko?" Sabi ko sakanya at tinuloy yung kainin ang pagkain ko.

"Wala lang. Sige na nga. Huwag na. Bili nalang ako. At tsaka Ate, may tumatawag na Bampira sayo dun." Sabi nya at tinuro yung classroom namin.

"Bampira? Anong Bampira pinagsasabi mo?" Tanong ko. Ano nanaman pinagsasabi nito?

"Well.. Para lang syang bampira kasi sa sobrang puti nya. At tsaka sabi raw nya sakin, Future husband mo raw. Like duh! Pano mo sya magiging future husband kung piling-lalaki ka." Sabi nya. Nagulat ako.

Umalis na si Yeri at tinuloy ko ang kainin ang pagkain ko habang nag-iisip.

Sigurado si Sugar nagsasabi ng mga ito. Bwiset sya!

Future? Ay weh? Future husband? Tss... Wala na yan sa future kasi ngayon palang baka mamatay yan dahil sakin. De joke lang.

Ubos na yun pagkain ko. Tinapon ko yung basura sa basurahan.

Maya-maya, bigla kong nakita si Sugar papunta sakin. Oh no.

Tumakbo ako. This is the time that I will avoid him. Yes, Avoid.

Uy pak! Galing ko mag-english! Don't worry, rinecite ko lang yan sa google translator. Lol😂.

Pero seryoso na talaga. Iiwasan ko na yung asukal na yan. Baka magkadiabetes pa ako dyan.

Habang papunta na ako sa hallways, biglang may humawak sa kamay ko.

"Hey babe. Nice to see you again." Sabi nya.

Babe!? Taena! Ginagalit talaga ako neto.

Sinipa ko yung birdie nya at napaluhod sya sa sakit.

"AH! ANG SAKET!" Sigaw nya sa sakit.

"Lumayo ka sakin!" Sabi ko pero napa smirk lang sya. Kainis tong smirk na ito ah.

"Yoko nga!" Sabi nya at sinubukan tumayo mabuti.

Bigla bigla may sumulpot sa likod ni Sugar. Isang Barbie doll. Grabe ang kapal ng makeup neto.

Pero mas makapal mukha nya kesa sa pader.

"Oppa!! Game na!" Sabi nya. Boses nya ang taas. Sakit ng eardrums ko taena! Tumingin sya sakin at sumimangot. Tumingin uli sya kay Sugar at ngumiti.

Wow! Barbie talaga sya.

"Oo sige. Pupunta na ako dun." Sabi ni Sugar with a bored expression.

"Oppa~ sino tong b*tch na ito?" Sabi nya at tumingin sakin. Nanlaki naman mata ni Sugar. Aba! Ako ba sinasabihan nya!? Lagot ka saking babae ka!

"She is not a b*tch. You are." Sabi ni Sugar. Napangiti naman ako ng kaunti at tumingin yung babae sakin na galit yung mukha.

"Ikaw babae ka, lumayo layo ka sa Sugar ko! Look at you! Ampanget ampanget! So ugly!" Sabi nya sakin.

Suit yourself.

"Panget? You are just describing yourself for who you are!" Sabi ko. Grabe galing ko talaga. Paawwweeerr!! Tumawa ng mahina si Sugar.

"Excuse me? Tingnan mo yang itsura mo. Hagard. Unlike sakin maganda." Sabi nya at hinawakan buhok nya.

"Oh really? First of all, wag mo ako eenglish english jan. Second, Sa pagpapaganda mong yan, nagmumukha ka ng Perfect Plastik Barbie doll. Ang kagandahan mo lang ay plastik,pwede masira. Third, Alam kong panget ako kase wala naman akong sinabing maganda ako. And fourth, don't mess with Seul Bear kase ikaw mapapahamak."

Sabi ko sakanya at nakanganga lang sya dyan. Si Sugar shocked rin.

Tumalikod ako at linayuan sila. Habang papalayo ako, biglang nagsalita ulit yung Plastik.

"Lumayo ko sa Sugar ko, or else I will make your life in hell." Sabi nya.

Humarap ulit ako at may sinabi sa kanya.

"Ano pake ko? May pakealam ba ako sa plastik. Wala!"

At yun. Umalis na ako.

Narrator's POV

Di alam ni Bear na nanonood yung tropa na Sugar at Tropa niya sa nangyari.

Vote and comment❤️

[✔️] I Fell In Love with a TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon