19

2.7K 46 2
                                    

Sugar's POV

Naghahabulan kami ni Bear nang may biglang nagring ng doorbell. Sino kaya yun?

"Mama at Papa!?" Rinig kong sigaw ni Bear. Pumunta ako dun kay Bear at nagulat ako. Nung nakita ako ng mama nya, ngumiti sya sakin. Nung nakita naman ako ng tatay nya, naging masama tingin nya sakin. Paktay!

"Ma at Pa, pasok po kayo." Sabi ni Bear at pinapasok yung magulang nya. Nagbow naman ako para may respeto. Nagbow rin sila sakin.

Umupo kami sa sofa. Woohh! Ang awkward grabe. Gusto ko na muna umalis kaso ayoko iwan si Bear. Nawala yung katahimikan nung nagsalita nanay nya.

"Bear. Boyfriend mo sya? Ang cute oh!" Sabi ng nanay nya sakin at ngumiti lang ako habang kinukurot nya pisngi ko. HELP ME.

Bear's POV

BAKIT SILA NANDITO!?! Kinakabahan na ako kase yung mata ni Papa, nakakatakot pag nakatingin kay Sugar.

Si Mama naman ay kinukurot yung pisngi ni Sugar.

"Ma, tigilan mo yan. Nakakahiya." Sabi ko at inalis naman nya yung kamay nya kay Sugar.

"Galing mo pumili ng boyfriend ah. Kala ko ba tomboy ka?" Sabi sakin ng nanay ko.

"Well... may pagkatomboy pa ako. At may pagkababae rin ako noh." Sabi ko.

"Ano pangalan nya?" Tanong sakin ni Mama. Ayoko tumingin kay Papa. Nakakatakot sya grabe. Pero pag nakilala mo yan o naging close kayo, makulit yan. Asar ng asar na parang ewan lang dyan. Parang batang damulag.

"Mint Sugar po pangalan ko." Sabi ni Sugar habang nakangiti kay Mama. Ngumiti rin ako. Nung tumingin sya kay papa, nagkungwaring ngiti nalang sya. Hehe, takot sya eh.

"Sugar, mag-usap tayo pagdadating ka dito. Bukas." Nagulat ako nung si Papa nagsalita. Hala. Sige lang. Galing maging strikto ni Papa oh, pero pagnakilala mo, parang unggoy na tawa ng tawa. Atleast maganda nga yun eh.

"Opo, Sir." Sagot ni Sugar habang nakatingin sa baba. Gusto ko na tumawa ng malakas kaso pinigilan ko.

"Tawagin mo nalang akong Mr. Dad. Or Dad nalang para maganda. Tutal cute ka naman raw. Pero ako yun." Sabi ni papa habang ngumiti. Tumawa naman ako at si Sugar naging shock lang jan pero tumawa rin. Papa ko naman ay tumawa rin.

"Sugar, di porket nagpatawa ako, friends na tayo ha? Kase di porket girlfriend mo yung anak ko, bestfriends na tayo. Huwag kang piling close. At kung malaman ko lang na linoloko mo yung anak ko, ihahanda ko na tong suntok ko. Kaya umayos ka, ha?" Sabi ng papa ko. Wow! Sassy ha.

"Opo sir- I mean dad. I promise po na mamahalin ko yan anak mo forever." Sabi ni Sugar.

"Anak, walang forever. Pero kung magiging kayo ni Bear, maniniwala ako." Sabi ng tatay ko. Well, may pagkabitter yan si Papa eh. Jan ako nagmana. Si mama naman ay may pagka-savage. Parang ako.

"Ma, Pa. pwede ba po matulog si Sugar dito? Please!" Sana pumayag, sana pumayag.

"Oo naman. Kung bibilan mo kami bukas ng starbucks dyan. Gamitin mo pera mo pambili. Muahaha!" Sabi ng mama ko. Tinawanan naman ako nila Sugar at Papa. Nyeta! Mamaya lagot kayo sakin.

"Oh sige sige. Whatever." Sabi ko at umakyat kami ng kwarto ni Sugar. Mga parents ko ay pumunta sa kanilang kwarto which is upstairs. Third floor. Ako kase, sa second floor ako. Di ako pumupuntang third floor kase ayoko.

[✔️] I Fell In Love with a TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon