Bear's POV
Nandito na ako sa cafe. Ay mali. Kami pala ni Mochi. Sorry, nalimutan ko lang na may kasama pala ako. Ay oo nga, wala palang kami.
Naghanap kami ng table at umupo kami.
May dumating na waiter at hiningi mga order namin.
"Bear, anong order mo?" Tanong ni Mochi sakin.
"Coffee Crumble Milkshake. Ikaw, ano order mo?" Tanong ko pabalik sa kanya."I will have the same. Yun nalang po Kuya." Sabi nya at umalis na yung waiter.
"Naks! Maka-Kuya ka dun sa waiter ah. Ba't di mo sakin tinatawag yun?" Sabi ko.
"Dapat nga ikaw yun eh. Ako mas matanda sayo tapos hindi ka lalaki. Baliktad naman yang isip mo. Kaya pala minsan para kang ewan eh. Ay hinde, PALAGI pala. Hahaha!"
"So?? Ano naman? Atleast may isip, ikaw kase WALA. Hahaha!" Ano roast sya ngayon sakin! Hahaha!
"Ikaw nga eh, flat." Tangena! Ano sabi nya?!
"Ako ba sinasabihan mo?!?! Saket nun ah! Maka-Flat ka dyan. Di ako flat!" Totoo naman eh. Di ako flat. Porket tomboy ako, flat na ako? Hinde!! Wala lang kaseng nakakapansin eh. Sa sobrang pagkalalake ko, di napansin ni Mochi. Pero yung mga playboys or mga pakboys jan, napapansin nila eh. Eksampol nyan si Sugar. Kase yang types na mga lalakeng yan, Playboys man o Pakboys, ang unang titignan nyan sayo ay yung katawan mo. Buti nalang hindi perverted si Mochi. Innocente kase yang Bespren ko!
"Sige nga. Kung di ka flat, pakita mo nga saken." Sabi nya habang nakasmirk.
"Ulol. Ba't ko na man papakita sayo? Mga ibang lalaki nga nakakapansin eh. Mga babae rin kaya. Inggit sila sa kin. I'm proud of myself."
"Edi wag mong pakita. Kaya sila naiinggit sayo kase maganda katawan mo. Kita ko nga yung nasa dance room ka dati sa school, nakacrop top ka. Gumagawa ka ng choreography. Grabe ang hot mo!"
"Well Of course. Dati pa ako hot. I mean 'hot' naman talaga ako. Ya know."
Habang nag-uusap kami ni Mochi, yung waiter dumating. Binigay na yung inorder namen.
Bumalik ulit kwentuhan namin ni Mochi nung umalis na yung waiter.
"Bear, Di ka na pumapasok ah. Ano ang problema? Or sabihin ko nalang, How's it going with Sugar?" Tanong nya.
"Okay lang. Dumating yung parents ko sa bahay. Di ko alam kung baket. Pero happy ako. Si Mama parang ship nya kami. Si Papa naman......... Well,....... Sigurado bibigyan nya si Sugar ng mga pagsubok. Ewan ko, Basta ganun naman talaga ang mga tatay. Protective sa mga anak."
"Ah... Si Sugar nasa bahay mo. Sigurado nahihirapan na yun."
"Oo. Baka binigyan na ni Papa ng challenges. Ewan ko ba."
Nagkwekwentuhan lang kami ni Mochi ng may biglang sumigaw na dophin. Ay sorry! Tao pala. Hehe!
"AHH! WHY DID YOU DO THAT! MY DRESS IS NOW DIRTY SPILLED WITH COFFEE!! URRGHHH!" Ay ang saket ng tenga ko. Sino ba yun!? Pamilyar boses eh.
Tinignan ko kung sino at... HALA BA'T NANDITO SI BARBIE NA YAN!!! Ano ba yan!?! Natapunan sya ng coffee. Siguro nagmamadali yung waiter. Naawa ako unti sa waiter.
Nakatingin yung mga tao sa kanya. Pero ang ginawa ni Barbie ay tinitigan nya ng masama yung mga tao, pero buti nalang di nya ako nakita. Di nya napansin na nandito ako.
Tinitignan ko lang yung ginagawa ng waiter sa kanya at sya. Di ko masyadong marinig sinasabi nila. At ayokong makinig, ayoko maging chismosa. Kaya titignan ko nalng ginagawa nila.
Tumigil bigla si Barbie at biglang tumingin sa waiter, as in titig na para kang na-fall inlove sa isang tao. Naattract sya ata.
Maya-maya, kita ko na ngumiti sya at umalis. Oy! Anong klaseng kdrama ito!? Kinikilig ako ah! Parang ship ko silang dalawa. Pero ishiship ko lang ang dalawang tao kung magiging SILA na.
"Uy Bear, Ok ka lang?? Ano tinitignan tignan mo dyan?!?!" Sabi ni Mochi. Humarap naman ako sa kanya at ngumiti.
"Si Barbie pala kita ko kanina. Di nya ako napansin."
"You mean Jessica? Yung kaaway mo?"
"Oo, di nya ako napansin."
"Ganun naman talaga eh. Wala naman talagang dapat makapansin sayo- ARAY!!" At dun ko sya kinurot sa tenga.
"Sige asarin mo pa ako ng ganyan. Makakaipon ka ngkurot sakin."
"Ganun naman talaga pag besprens eh. Nang-aasar sa isa't-isa."
"Eh ganun rin naman besprens eh, Nagkukurot o minsan nambabatok."
"Your'e right I guess."
"I know."
Vote and comment❤️
BINABASA MO ANG
[✔️] I Fell In Love with a Tomboy
Fanfiction[Highest rank: #3 in kiligmoments, #2 in YoonSeul, #151 in redvelvet] "Tignan naten. Sa future, akin ka na." "Pftt! Imposible yun! Wala akong gusto sayo!" "Edi liligawan kita. Hanggang sa magiging tayo na."