CHAPTER 3- THE FLASHBACK (Ejay's POV)

12 1 0
                                    

CHAPTER 3- THE FLASHBACK (Ejay's POV)

Anim na taon ako noon. Naglakad kami ni lola papunta ng parke. May isang batang babae na nakasakay sa bike, tinitignan ko siya mula sa malayo habang nakaupo ako sa tabi ni lola. Ang saya saya nya, hinihiling kong maging kaibigan siya at lapitan dahil parang ang bait bait nya. Ang dami niyang kalaro noon pero siya ang napansin ko. NApahiwalay siya sa kasama niya dahil sa pagkakarinig ko ay uuwi na ang mga ito ngunit parang ayaw pa niya kaya naiwan siya. NAgpatuloy siya sa pababike hanggang sa hindi ko na siya nakita.

MAkaraan ang ilang minuto napagpasyahan ni lola na maglakad lakad kami. Marami rami  paring tao sa parke kahit madilim na at gumaganda na ang paligid sa nagbubukasang makukulay at nagkikislapang mga  ilaw. Dumami na rin ang tao dahil may show na magaganap para sa publiko. Saglit namin itong sinulyapan ni lolaat nang mapagod ito ay nag-aya na siyang umuwi.

Sa paglalakad namin ay may narinig akong batang umiiyak. Isang batang babae na sa tingin ko'y siya yung batang baabe na pinagmamasdan ko kanina.Nakaupo siya sa tabi ng  kanyang nasirang bike. Nilapitan namin siya ni lola at kinausap.

"Iha, anong nangyari sa iyo?bakit ka umiiyak?" tanong ni lola

"Niaway po kasi ako nung mga salbaheng bata. Pauwi na po dapat ako sa amin pero hinarangan nila ako" humihikbing sagot nito.

"Hayaan mo na sila. Iha, halika't sumama ka muna sa amin at lilinisin ko ang sugat mo"

"Ayoko po. Baka Bad din kayo tulad nila. At sabi ni mama wag daw akong sasama sa hindi ko kilala"

"hindi kami bad!!! Sumama ka sa amin at ihahatid ka namin sa inyo" singit ko

"Ayoko!!!"

aalis na sana kami ng lola ko't ayaw nya talagang sumama madilim din doon at binanggit kong "Sige bahala ka na baka may makakuha sa iyong mas bad dito at mumu.ingat na lang bata ah!!!"

Nakita ko ang mukha niyang parang nagpintig ang mga tenga sa sinabi ko. nakalayo na kami ng narinig kong  sumigaw siya.

"Teka lang po!!!!! sasama na si Janine sa inyo"

sigaw niya habang tumatakbo papalapit sa amin dala ang kanyang bisikleta. 

"Basta po hindi kayo bad ah. kung hindi isusubong ko kayo kay papa God!!" dugtong pa niya ng lumapit.

"oo naman apo!teka saan ka ba nakatira?"

tinuro niya yung bahay nila. mabuti at malapit lang pala sila sa amin. Pagdating namin walang tao.

"Iha. dito ka ba nakatira?"

"opo dito po"

"bakit parang walang tao?"

"ah lagi po kasing wala si mama sa bahay nagtatarabaho po siya. Ako lang po minsan ang tao dito sa bahay pero matapang po ako"

"eh kung matapang ka bakit ka humabol sa amin?" singit ko. Napahinto ito at hindi alam ang sasabihin.

"eh syempre iba naman yon." sambit nito

"o siya tama na iyan iha. Pumasok ka na at uuwi na kami ng apo ko lumalalim na rin ang gabi"

" ah sige po lola salamat po ha. Ako nga po pala si Janine"

"Wla yun iha. o siya ito nga pala ang apo ong si Ejay" at sabay kaming nagshake hands. Paalis na kami ng muli siyang nagsalita.

"lola pwede ko po ba kayong ayain dito bukas?? ipakikilala ko po kayo kay mama!"

"abay sige. bukas pupunta kami"

Umalis kaming may ngiti sa mga labi nito. Siguro maghahanda ako sa pagpunta namin bukas.

Kinabukasan pumunta kami ni lola kina Janine magiliw nya kaming pinapasok at saktong  naroon ang mama niya. Nagpasalamat ito dahil inihatid daw namin sa bahay nila at walang masamang nangyari.

Naikwento rin ng mama niyang may kapatid daw ito ngunit hindi na alam kung nasaan na dahil isinama daw ito nag papa niya palayo. Kaya daw bata palang ito ay iminulat na siyang maging matapang dahil wala din naman daw silang mapagkakatiwalaang mapag-iiwanan dito. Ayaw man daw niyang kumuha ng katulong dahil baka sila daw ay lokohin lalo pa at busy ito.

Pinakiusapan din si lola na kung maaaring dalawin paminsan minsan si Janine dahil madalidaw itong matrauma kaya ayaw ng mama niyang makipagkaibigan ito ng basta basta.

Lumuwang ang labi ni Janine sa tuwa sa narinig gayundin ako. Siya ang kauna unahan kong kaibigan kung sakali.

END OF FLASHBACK 

Make Me (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon