CHAPTER 3
HelpIminulat ko ang mga mata ko at nakaramdam ng pananakit ng katawan. Napahawak ako sa noo ko dahil may naramdaman akong mahapdi doon. And to my surprise, there's blood.
"Kuya, kuya gising!" Inuga ko siya ngunit mukhang nawalan siya nang buhay.
Naalala ko ang pagprotekta niya sa'kin kanina nang pabagsak na ang chopper.
He covered me with his body, at ngayon, siya ang namatay.
Umuusok pa ang helicopter because of the crash. Mabuti nalang at hindi ito sumabog o nasunog.
Kinuha ko ang mga gamit ko. Isinuot ko sa isa kong balikat ang strap ng duffel bag ko habang hila-hila ng dalawang kamay ko ang dalawang maleta.
Binuksan ko ang phone ko at labis na nanlumo nang makita kong walang network connection. Walang signal. Hindi ako makakatawag o makakapagtext man lang.
Sinubukan kong humanap ng signal para sana makapagsend man lang ng text pero wala talaga.
Malayo na ito mula sa Evergreen o mula sa ibang bayan. Base sa nakita ko mula sa itaas kanina, walang katabing bayan ang lugar na ito kung hindi kagubatan.
"Tulong! Tulong!" Sigaw ko pero walang lumalabas mula sa mga bahay o mga tindahan. Walang nagmamaneho ng mga kotse, walang dumadaan. Tahimik. Tila walang tao.
Malaki ang lugar at parang kasinglaki ng isang syudad. Mula sa posisyon ko ay malayo ang lalakarin patungo sa hangganan nito. At kung makakadating man ako sa hangganan ng bayan, kagubatan naman ang susuungin ko, mas delikado.
"Tao po! Tulong!" Paulit-ulit na sigaw ko habang naglalakad.
Nakakapanghina.
Halos tatlong oras akong lakad ng lakad pero tila walang hangganan ang daan. Tinignan ko ang orasan ko at nakitang alas kwatro na.
Wala akong maaninag ni isang tao. Anong klaseng lugar ba ito?
"Tulungan niyo po ako!" I screamed so loud. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng lakas.
Nakaramdam ako ng pag-asa, kahit katiting lang. Nang nakita ko ang police station. There is a car parked infront of it.
Tumakbo ako patungo doon kahit na ang bigat na ng mga dala ko.
"Tao po! Tulong. Tulungan niyo po ako." Napaupo ako pagpasok ko sa istasyon.
Kagaya nang inaasahan, walang tao. Walang mga pulis. Walang tutulong sa'kin.
This place is abandoned. Iyon ang nakikita ko. Wala nang tao dito, wala kahit isa.
Ipinikit ko ang mga mata ko at nanalangin na sana may dumating na tulong.
Mabuti nalang at handa ako. May mga pagkain akong dala at kahit dito nalang ako magpalipas ng gabi bago maghanda para makauwi, kung posible. Dahil hanggang ngayon wala pa din akong mahagilap na signal.
Nagulat ako nang may marinig akong tunog. May nagkasa ng baril.
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Hindi ko alam kung masisiyahan ako o matatakot nang makita kong may nakatutok na baril sa'kin.
BINABASA MO ANG
Desolated Cryosphere (Postponed Revisions)
Science FictionWhat if everyone went away, and you were the only one left? How will you survive? How will you live? How will you endure in a cold and desolated cryosphere? A story of love, mystery and survival. Original: 032418-062718 Revisions: Postponed