Note: Last three chapters before the epilogue.
CHAPTER 18
FailureMedyo nainip na ako sa paghihintay kay Gusher kaya naisip ko na bumaba na din. Medyo hina pa ang katawan ko pero kaya ko na din kahit papaano.
I opened the trap door and I heard that Gusher is talking to someone on the phone. The phone's speaker is on kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila.
"Kagaya nang napagkasunduan, I'll give the full payment. And then, we will cut all of our connections. You know, like I never met you at all. Ayoko ng mga excess baggages, alam mo naman. Nasa sa'yo nalang kung hahayaan mo na may makakaalam sa kasunduan natin. It is your reputation which is at stake by the way." Gusher's reputation? Pumasok ba siya sa illegal na trabaho?
"Walang makakaalam." Gusher answered. Ayoko munang bumaba. Siguradong maririnig niya ako.
"Oh well. Napakahirap kapag mayroong nakaalam. Lalo na kung ang mga taga-Siyudad de Angeles. Hindi ka kaya nila itakwil? Na ang isa sa mga mamamayan ng Siyudad ay nakipagtulungan sa taong siyang dahilan kung bakit nawala sa kanila ang kanilang tinitirahan?"
My eyes widened. Kasabwat... Kasabwat si Gusher sa lahat ng ito? I thought he secretly stayed in here to do his revenge!
Gusher's jaw clenched.
"At sa nakikita ko, mukhang nahuhulog ka na yata kay Cryanna? That's dangerous hijo. Kapag nalaman niya na sangkot ka sa lahat ng ito, kasusuklaman ka niya." Parang nanigas ako sa pwesto ko. He knows me. Teka... Is he talking to... The person who started this project? The person who used me for this project?! And Gusher is connected with him?
Meaning... Alam ni Gusher kung sino ang gumagamit sa'kin para sa proyekto, alam niya sa simula pa lang pero hindi niya sinabi sa'kin! I knew it! Hindi ko talaga dapat siya pinagkatiwalaan.
"What about her? Pagkatapos nito, paano siya?" Gusher asked.
Sangkot si Gusher sa lahat. Sa pagkuha sa Siyudad, sa pagkamatay ng iilang mga tao, sa paggamit sa'kin para sa eksperimento. Kasama siya sa lahat.
Did he lie when he said his parents were killed? That his brother got away? Or he really lied with his identity? Na hindi naman talaga siya kung sino ang ipinakilala niya? Na sinabi lang niya ang lahat ng iyon sa'kin upang hindi ako maghinala?
"Of course she will stay with me. She is my property Gusher. Ano pang saysay ng proyekto kung hindi ko maipapakita sa mga tao ang resulta nito? And of course, si Cryanna ang makapagpapatunay nito. Kailangan ko pa siya. Hayaan mo, kapag naging tuluyan nang matagumpay ang proyekto, ibibigay ko na siya sa'yo."
My eyes watered. That person talked like I am just a thing. Hindi ba niya alam na buhay ako? Ganoon ba sila kasama at ka-makapangyarihan para bumili ng mga tao para sa eksperimento at ituring na sa kanila na din ang buhay ng mga binili nila?
Halata sa mukha ni Gusher ang galit. Bakit siya nagagalit? Ayaw niya na ibibigay ako sa kanya? Sabagay, sinong may gusto ng isang bagay na tapos nang gamitin? Sa isang bagay na hindi na kailangan?
His left hand is formed into a ball.
Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan, maybe I can calm him down.
"Napakawalanghiya mo talaga Sentinel! Anak mo siya!" Gusher shouted and I froze.
Anak.
Sentinel.
Kaya ba pamilyar ang boses ng kausap niya?
I-Is it my dad?
Tuluyang tumulo ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Desolated Cryosphere (Postponed Revisions)
Ficção CientíficaWhat if everyone went away, and you were the only one left? How will you survive? How will you live? How will you endure in a cold and desolated cryosphere? A story of love, mystery and survival. Original: 032418-062718 Revisions: Postponed