19

470 17 0
                                    

Note: Sabaw na action scenes ahead. Haha.

CHAPTER 19
Escape

Gusher

Simula nang araw na iyon, nang ipikit niya ang mga mata niya, hindi pa siya ulit nagigising. Ilang araw na ba? Tatlo.

Tinawagan ko si Sentinel noon para agarang kunin si Cryanna palabas ng Siyudad. Sumaklolo naman siya kaagad. Alam niyang nasa panganib si Crya, inilabas ko siya kanina sa hideout nang walang malay. We're monitored, maliban sa hideout ko, kaya naman nakita agad ito ni President.

We are now in his lab. Ayaw niyang dalhin si Cryanna sa ibang ospital. Besides, Miguela is a doctor. Lahat ng kailangan niya ay nandito naman.

Hindi ako pinaalis ni Sentinel. Malaki ang tiwala niya sa'kin, I never showed an act of treachery. Magaling akong magtago. Isa pa, si Cryanna lang naman talaga ang misyon ko. Ang kunin siya mula sa kanya.

I will still get her away from here; this time, not for ransom money but for her freedom.

"Her kidneys are failing." Nang marinig ko iyon ay napatayo ako mula sa sofang inuupuan na malapit sa pintuan ng kwarto ni Cryanna kung saan siya ginagamot.

Miguela is checking her. Madami din siyang papel na hawak. Mga resulta ng mga tests kay Cryanna.

"Her what?" Lumapit ako kay Cryanna. I sat on the chair near her bed.

Seryoso ding lumapit si Agustus sa amin. Siguradong nag-iisip na siya ng paraan upang maging maayos si Cryanna. Iniisip na siguro niya ngayon na maaaring maulit ang lahat sa simula, na hindi magiging matagumpay ang proyekto.

Ang gusto ko lang ngayong mangyari ay gumaling si Cryanna. Habang nandito siya ay maraming nakitang komplikasyon sa katawan niya. Hindi ko alam kung ibinibigay ba nila sa kanya ang tamang mga treatments pero sa palagay ko ay hindi naman siya pababayaan.

"Hindi pa ako sigurado sa findings ko dahil hindi pa siya nagigising. We'll wait for her to wake up and observe kung may mga ipapakita pang symptoms ang katawan niya. But with the tests I've made, her kidneys are slowly failing. I inserted a catheter at kaunti ang lumalabas na urine. Plus, her urine is tea-colored which is very alarming." Pagpapaliwanag ni doktora.

I can't do something but to stare at her and hope that she will soon be fine.

"Ma'am, nandito na po ako." Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang isang babae na may katandaan na din.

"Manang, bantayan niyo si Cryanna." Utos ni Agustus.

"Dios ko! Anong nangyari sa alaga ko?" Now she's crying. Cryanna's nanny I guess.

"Where are you going?" Tanong ko sa mag-asawa.

"We'll find doctors. Kailangan nating bantayan nang mabuti si Cryanna. We'll find the best doctors we can find." President answered.

Alalang-alala na siguro siya. Kapag hindi naging matagumpay ang lahat ng ito, madami siyang babayarang utang. His financers already spent a lot of money, hindi sila papayag na mapunta lang iyon sa wala.

Agustus seemed worried about the failure of the project. While Miguela, I can see a hint of concern for Cryanna alone. Kinupkop din siya nang matagal na panahon, baka natutunan na din niyang mahalin ang inampon nilang anak.

Desolated Cryosphere (Postponed Revisions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon