CHAPTER 5
Let Me OutMarch 3, 2025
8:34 AMTatlong araw na ang lumipas at wala kaming ginagawa ni Gusher kung hindi manood ng telebisyon, maglaro ng board games at offline games.
Isa lang ang pinakahabilin niya sa'kin.
BAWAL LUMABAS.
Hindi ko alam kung matatakot ako dahil daig niya pa ang mga magulang ko sa pagkaistrikto o sadyang gusto niya lang akong protektahan. Kung mayroong mas nakakaalam na lugar na ito sa aming dalawa, siya iyon.
Hindi ko alam ang rason kung bakit biglang nawala ang mga tao dito. Maaaring may mga zombies na kumain sa kanila, or pinagpapatay ng mga terorista, o baka may kumidnap. Hindi ko alam. Pero ang lugar na ito, kahit kaming dalawa lang ni Gusher, mukhang delikado.
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Tama siya. Unpredictable.
Isa pa, hindi naman siya titira sa ilalim ng bahay nila kung hindi talaga delikado. Walang tao sa lugar na ito, kaya bakit hindi nalang siya sa bahay nila sa taas tumira, hindi ba? Mas komportable doon. Hindi katulad dito. Na para bang nararamdaman mong nasusuffocate ka kahit hindi naman.
Kaya sa loob ng tatlong araw, nasa loob kami ng underground room na ito. Walang ibang ginagawa kundi tulungan ang isa't isa upang hindi mabagot.
"Checkmate." He said as he captured the piece.
"Argh! Ayoko na." I groaned.
Hindi ako naglalaro ng chess. Hindi ako ineresado sa board games. I am an achiever, yes. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako ginaganahan sa mga ganoong laro. Mas ginugusto ko ang magbasa at manood ng mga bagay na may matututunan ako.
"Let's start again." Mapang-asar na suhestiyon niya.
"No! I won't do that again." I glared at him. Oo nga't marunong na ako, napilitang matuto dahil sa kanya. Pero hindi ko pa din siya kayang talunin! He just plays so well!
"C'mon, anong gagawin natin? Manood na naman?" He chuckled.
Hindi niya ako pinapalabas, pero kampante ako dahil hindi rin siya lumalabas. Kaya hindi naman talaga niya ako gaanong kinukulong.
Sa loob ng tatlong araw, pakiramdam ko kilalang-kilala na namin ang isa't isa. I mean, we always ask each other many questions just to beat boredom! Yun nga lang, hindi niya pa din sinasabi kung bakit siya nandito at kung ano ang nangyari sa lugar na ito. Ayon sa kanya, mas mabuti nang hindi ko alam.
"Noong grade four ako, mayroon akong nagustuhan sa mga kaklase ko." Pagkukwento niya noong isang araw.
"Then? Niligawan mo?" I desperately asked.
"Oo naman. Nagsulat ako ng letter sa kanya noon sa isang papel. Hulaan mo kung anong papel." Panghahamon niya sa'kin.
"C'mon, what?" I chuckled dahil mukhang nakakatawa ang susunod na sasabihin niya.
"The back cover of my pad paper. Iyong matigas na parte kung saan nakasulat ang brand ng papel. How romantic, right?" Natawa din siya dahil wala pa man ay tumatawa na ako, at noong sabihin niya iyon, lalo akong natawa.
"But you are too young that time! Hindi naman ganoon kasama." I said.
Tinanong ko din siya kung dapat ko ba siyang tawaging kuya, pero hindi siya pumayag. He said he wants to be treated like we have the same age, at ganoon nga ang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Desolated Cryosphere (Postponed Revisions)
Science FictionWhat if everyone went away, and you were the only one left? How will you survive? How will you live? How will you endure in a cold and desolated cryosphere? A story of love, mystery and survival. Original: 032418-062718 Revisions: Postponed