Note: Final chapter before the epilogue. :)
CHAPTER 20
GoneGusher
"Saan kayo pupunta?"
Sumunod na itinapat niya ang baril kay Ecleo.
"I thought you'll work faithfully. Mukhang nagkamali ata ako na pinagsama ko kayo ulit." Agustus chuckled.
Hindi kami makagalaw. We can bring out our guns and shoot him. Pero kasama namin si Cryanna.
This man is crazy for fame, power and money. He might do something bad once we showed our arms.
"You already moved on, right Gusher? Sa pagkawala ng kaibigan mong 'to, you already moved on right?" Hindi niya pa din inaalis ang pagkakatutok ng baril sa kaibigan ko.
Nanghihina na din ako. I was beaten quite hard.
Ang akala ko ay mabilis lang naming maitatakas si Cryanna. Now here we are, in this garage, finding for the best thing to do.
"Paano kaya kung patayin ko na siya nang tuluyan ngayon?" He laughed evilly.
"Boss, teka." Si Ecleo.
"Hindi ko inakalang tatraydurin niyo akong dalawa." His voice was serious. Hinampas niya ng baril si Ecleo kaya naman nawalan ito ng malay.
Sumunod na itinapat niya ang baril sa'kin.
"So you want to get my baby away from me?" Mapanuyang tanong ng matanda.
"She's not your daughter." May diing sagot ko.
"I know. She's not my daughter. She's my baby. My property. My creation, Gusher. Cryanna is my creation." Isang nakakatakot na ngisi ang sumilay sa labi niya.
This man is really crazy.
"Stop this. Huwag mo na siyang pahirapan! Stop playing god!" I angrily roared.
"I'm not playing god. I am a god. Imagine, I made someone survive a freezing climate, an insanely freezing climate! Kung hindi ko siya ginamot ay maninigas siya doon Gusher. But! Because of me, she is still alive." His voice was full of pride and amazement towards himself.
"Kung hindi ka nabaliw at kung hindi mo sinimulan ang proyektong 'to, hindi kailangang maranasan ni Cryanna ang temperaturang iyon! Hindi niya mararanasang magamot gayong wala naman siyang sakit." I looked at my Cryanna, she's still peacefully sleeping.
"Hindi ako nabaliw! I got the most genius idea Ridan. Ang ideya na makakatulong sa madaming tao. Kapag dumating ang panahon na magyeyelo nang sobra sobra ang bansa, madami ang maliligtas dahil gagamutin ko sila! I will do the same treatment on them. Maililigtas ko sila." Agustus Sentinel chuckled victoriously.
"Tama na." I said firmly. "Hindi mo 'to ginagawa para sa iba. You're doing this to get so much credit! To be well-known and powerful. To get the all the money you can accumulate. Huwag kang magsalita na parang concerned ka talaga sa ibang tao. Makasarili ka Sentinel." I smirked.
His smile faded, pero bumalik din ito kaagad.
"Sinong ayaw maging tanyag Gusher? Maging ikaw, hindi mo iyan tatanggihan. Imagine the amounts I could get. Sinong tao ang ayaw yumaman? Wala. And in my case, abot kamay ko na ang limpak-limpak na salapi. Sinabi ko naman sa'yo, ibibigay ko sa'yo si Cryanna kapag wala na siyang silbi sa'kin. Hindi mo siya kailangang nakawin!"
Matapos niyang sumigaw ay dumating ang mga tauhan niya. They all have guns.
I held Cryanna's hand.
BINABASA MO ANG
Desolated Cryosphere (Postponed Revisions)
Ciencia FicciónWhat if everyone went away, and you were the only one left? How will you survive? How will you live? How will you endure in a cold and desolated cryosphere? A story of love, mystery and survival. Original: 032418-062718 Revisions: Postponed