Note: Feel free to comment down your reactions! I'd love to read them. Thank you for still being here!
CHAPTER 16
FreedIyak ako nang iyak. Hindi alam ni Gusher kung paano ako patatahanin. Kasama ako sa proyektong nagpaalis sa mga tao dito, ang proyektong pumatay sa iilang mga tao, ang dahilan kung bakit nagutom sina Jacinth at kung bakit kailangang manirahan ni Gusher nang mag-isa.
Umalis din sina Jacinth kaagad pagbalik ng mga kasama niya.
"Tahan na. Hindi mo kasalanan."
"A-Ako ang Proyekto hindi ba? Ako ang Proyekto." Hindi naman kumibo si Gusher.
Nalaman ko din na The Cryanna Project ang ibig sabihin ng TCP na nakita ko noon sa daan nang nagpunta kami sa Kanluran.
Ginawa ang siyudad na ito upang pamuhayan ko. Upang obserbahan ako kung makakaya ko bang mabuhay.
Napakagulo para sa'kin. Nagcrash ang helicopter na sinasakyan ko sa akala kong lugar na ito na walang koneksyon sa'kin. Iyon pala'y nakatadhana din talaga akong mapunta dito, napaaga nga lang.
"At alam mo na iyon simula pa noong una hindi ba? Kaya mo ako tinulungan, upang gamitin ako laban sa taong nagpasimula ng Proyekto."
"Hindi kita gagamitin Cryanna." Depensa niya.
"Kung ganoon, ano?" Galit na galit ako. Sa sarili ko, kay Gusher dahil napakadami niyang inilihim sa akin, at sa taong gusto akong gamitin.
"Um..."
Tumawa ako ng mapait. "Huwag kang mag-alala. Handa naman akong magpagamit e. Sana sinabi mo nalang kaagad. Hindi iyong pinagsinungalingan mo pa ako. Lalong lalo na't tungkol ito sa akin! Tungkol ang proyektong ito sa akin! Pero hindi mo sinabi."
"I'm sorry Cryanna." Malambot ang ekspresyon ng mukha niya, iyong tipikal na may kasalanan at gustong mapatawad.
I remembered Rafa and Nana. They are my only friends, and when I say friends, I mean the genuine ones. Hindi ko din maiwasang isipin kung may alam din sila tungkol dito pero may tiwala ako sa kanila.
Bukod sa mga magulang ko ay sila nalang ang kaya kong pagkatiwalaan. Alam kong hindi nila ako hahayaang mapahamak. Alam kong hindi nila ako tatraydurin.
Mga magulang ko... Ibebenta ba nila ako? Hinayaan ba nilang ako ang gagamitin sa eksperimento? O napilitan lang sila dahil sa isang importanteng dahilan? Na kung nalaman ko din iyon nang mas maaga kung sakali ay papayag din akong masangkot dito? Tama bang pagkatiwalan ko sila?
Hindi ko na alam.
Napakatahimik ng hideout. Tanging ang mga palaisipan sa utak ko ang nagpapaingay sa mundo ko.
Ngayon ko lang napagtanto na kaya pala may hideout si Gusher at kung bakit niya ako tinutulungan ay itinatago niya ako sa mga staff ng proyekto. Kung makikita nila ako, hindi magiging matagumpay ang plano niyang makapaghiganti sa kung sino mang nagpasimula nito.
"Gusher bakit ako?"
Binasag ko ang katahimikan at hindi niya ito inasahan.
Hindi siya sumagot.
Tumingin siya sa'kin. Tumingin lang siya sa'kin nang may awa at lungkot sa mga mata.
Bakit niya ako kaaawaan? I'm strong! Or maybe it's just in my head but I'm really not.
BINABASA MO ANG
Desolated Cryosphere (Postponed Revisions)
Ciencia FicciónWhat if everyone went away, and you were the only one left? How will you survive? How will you live? How will you endure in a cold and desolated cryosphere? A story of love, mystery and survival. Original: 032418-062718 Revisions: Postponed