CHAPTER 8
Medicines"I told you, it needs to be repaired Crya." Pangungumbinsi ulit sa'kin ni Gusher nang patuloy ako sa pagtatanong kung bakit napakataas ng temperatura nang heater kagabi.
"It needs to be repaired? Pero ginagamit natin?" I rolled my eyes, saka padabog na kumuha ng bowl para sa cereals ko.
"Alam ko na kung paano iyon gamitin Cryanna. Kaya nga gumana iyon nang mabuti kagabi di'ba?" Hindi din ganoon kaganda ang tono niya.
Aba't!
"E paano kung nagloko pala iyon habang natutulog tayo ha? Paano kung yung ni-set mo na temperature yung naactivate aber? Ano? Matutusta tayo dito?" May mga natatapon pang gatas mula sa lagayan nito dahil hindi ako ganoon ka-focus sa ginagawa.
"We will notice it if that happens Crya. Hindi ka naman siguro tulog mantika para hindi mapansin ang init kung nagloko man ang heater." He stated. Hindi pa din siya bumababa. His pride is still up there. Well, pati ang akin. Pero hindi naman kasi tama ang ginawa niya.
"Let's just focus on today okay? Nakita mo naman, the heater worked. Maayos pa ang heater, ang lumilitaw lang na digits ang hindi. Pero tama lagi ang kalkula ko kapag ginagamit iyon. Maayos iyon na umandar kagabi, iyon nalang ang isipin mo." Sabi niya pa saka nalang nagpatuloy sa pagkain, at ganoon din ako.
"But thanks though." He said like I really don't deserve that and he just wants me to feel somehow fine.
"Oh. Right. For what?" Mapanuyang tanong ko.
"For not turning it off." His tone had a hint of danger and I don't know why.
Kahit naguguluhan ay mas pinili ko nalang hayaan ang araw na 'to na maging normal, kahit man lang kaunti.
"Nakakainom ka ba ng mga gamot mo Crya?" Tanong niya nang uminda ako sa pananakit ng mga binti ko.
"O-Oo. May mga araw lang na nakalimutan ko. May nagpapaalala sa'kin sa bahay, kaya hindi ko nakakaligtaan. Iba ang sitwasyon dito." I said.
"You should have told me. Para sana ako nalang ang nagpapaalala sa'yo. Or we could set up alarms, we have phones Cryanna." Sagot naman niya habang kinukuha ang mga gamot ko mula sa closet kung saan ko nilalagay ang mga ito.
He filled a glass with water, then he gave it to me, together with the pills I need.
"Bakit pala ang dami ng gamot mo?" He asked, staring at me as I swallow my medicines.
"My parents bought many of them. Para hindi na namin kailangang lumabas. Our objective is to hide, remember?" Sabi ko saka inabot na sa kanya ang baso na may kaunti pang laman.
"I read that your medicines are some type of ibuprofen and anodynes. Standard medicines to relieve pain. You have a more serious condition, right? What is it again?" Tanong niya, nagtataka, habang tinitignan ang mga canisters ng mga gamot ko.
"Myalgic encephalomyelitis." I answered. I am so used to the pronunciation of the words, well, my sickness is with me, matagal na.
"There are no treatments for my case. Kaya binibigyan lang ako nina mom ng mga painrelievers. There's no cure, yes." I continued.
BINABASA MO ANG
Desolated Cryosphere (Postponed Revisions)
Science-FictionWhat if everyone went away, and you were the only one left? How will you survive? How will you live? How will you endure in a cold and desolated cryosphere? A story of love, mystery and survival. Original: 032418-062718 Revisions: Postponed