Epilogue

602 23 7
                                    

An idea came into my mind as I watch the news on the television.

There is a possibility that the country will abnormally freeze because of severe climate change.

And if that happens, madami ang mamamatay.

I convinced my wife, Miguela, to adopt a child for the experiment.

We named her Cryanna, but her real name was Chanterelle. She was kidnapped from her family, then we bought her from the syndicate.

She was four when we sheltered her. And when she turned five, we started The Project.

Isinalang namin si Cryanna sa general anaesthesia. We forced her brain to lose it's consciousness and memory. Nawalan din ng pakiramdam ang katawan niya. We let her be in that condition, induced coma, within five years.

Pagkatapos ng limang taon ay pinaniwala namin si Cryanna na anak namin siya at naaksidente lang siya kaya siya walang maalala.

She was 12 when the effects of the anaesthesia took place. Her body developed a continuous malignant hyperthermia. Her body does not cool down and her muscles were sometimes rigid.

That time, sinimulan na namin ang medications. Pinaniwala namin si Cryanna na Myalgic Encephalomyelitis ang sakit niya kaya siya nagkakaroon ng mga pagkakataong hindi siya makagalaw. Ang hindi niya alam ay resulta iyon ng limang taon niyang treatment.

Pinapainom namin siya ng mga gamot na ang akala niya'y para sa ME niya pero ang totoo, those were sets of dantrolenes to cool down her body every morning up until the afternoon. Though some of her medicines were really for ther muscles' rigidity.

Kaya naman mahigpit kami sa pagbibigay sa kanya ng mga gamot, na ang mga ibinibigay lang namin ang dapat niyang inumin at wala nang iba. We put those specialized medicines into other medicines' canisters para mapaniwala siya na ang brand at medications na nasa packagings ay iyon nga ang iniinom niya.

Hindi lumalamig ang katawan niya, mataas ang intensidad ng init. Iyon ang gusto naming makuha, dahil kapag nagyelo ang paligid, malalabanan ng body temperature niya ang temperatura ng lugar na kinalalagyan niya.

Pinapainom namin siya ng dantrolenes para hindi maging mainit ang katawan niya tuwing may araw. Hindi kakayanin ng katawan niya kung sasabay ang init ng panahon sa kanya.

Naging successful ang medications. Lumalamig ang katawan niya tuwing umaga hanggang hapon at umiinit naman tuwing mag-gagabi.

We programmed the machine well. Nakakayang kontrolin ang intensidad ng init o ng lamig. Pero ang pagkakaschedule ng oras ng pag-init at paglamig was fixed.

3:00 AM-5:00 PM Normal temperature.
5:00 PM-6:00 PM Cold temperature sets in.
6:00 PM-12:00 MN Freezing time. Itinataas ang intensidad ng lamig upang mabilis na magyelo ang paligid.
12:00 MN-3:00 AM Melting process. Pinapainit naman ang temperatura nang mas mataas sa normal upang malusaw kaagad ang mga yelong nabuo noong freezing time.

Parang baliw. Tama. Maaaring mabaliw ang klima sa mga susunod pang taon. Na baka magpalit-palit nalang bigla ang lahat. Iyon ang pinaghahandaan namin.

We sent Cryanna to the City of Angels on the scheduled date. We hired a pilot at binayaran namin ng malaking halaga na siyang ipinadala sa pamilya niya. We told his family na nagcrash ang helicopter at ang mga pera ay ang tulong namin sa kanila.

Naniwala si Cryanna nang ipadala namin siya na sinisigurado namin ang kaligtasan niya. Ang hindi niya alam, nag-uumpisa na ang obserbasyon sa kanya.

I hired Gusher to watch over her. Hindi pwede na bigla na lamang may susulpot na mga staff kapag nagkaproblema siya. Kaya naman tinanggap ko ang alok ni Gusher na magtrabaho sa'kin. I asked her to make Cryanna live daily by providing her foods, clothes and shelter, as well as prevent her from seeking the truth.

Maayos naman na nagtrabaho si Gusher. I can see on the monitors.

Mayroong pagkakataon na sumusumpong ang mga side effects ng mga gamot, at nang mangyari iyon ay tumawag si Gusher sa akin upang itanong kung ano ang dapat niyang gawin.

Pinadalhan ko siya ng mga dantrolenes na pwedeng inumin ni Cryanna, para sa Malignant Hyperthermia niya. Hindi iyo  maganda dahil ang pag-init ng temperatura niya ay dapat mangyari kapag gabi, but that happened during daytime. Mabuti at hindi lumala iyon at tumigil naman kaagad ang labis na pag-init ng katawan niya.

Nagkaroon ng isang pagkakataon na umalis si Cryanna sa lugar ni Gusher. I was quite worried dahil baka hindi pa tuluyang treated ang katawan niya at baka magyelo siya. Ngunit sobrang saya ko nang naging matagumpay ang unang pananatili niya sa labas habang gabi at nagyeyelo ang Siyudad. Her malignant hyperthermia made her body endure the freezing temperature.

Kaso, nagkaroon ng komplikasyon. Bigla nalang nahimatay si Cryanna at hindi kaagad nagising kaya kinuha namin siya mula sa Siyudad.

Habang inoobserbahan namin siya sa laboratoryo ay nakakakita si Miguela ng mga sintomas ng Rhabdomyolysis. A condition in which a skeletal muscle tissue is rapidly decomposing. Hindi lang pala dahil sa hyperthermia niya ang pananakit ng mga muscles niya kundi dahil din dito.

Kahit na mukhang tama na si Miguela sa findings niya tungkol sa bagong sakit ni Cryanna ay nagsagawa pa siya ng tests upang mas maging accurate.

Cryanna's kidneys failed. Dahil doon, unti-unti akong pinanghinaan ng loob. Ang proyekto na pinaghirapan ko sa loob ng labing dalawang taon, mukhang hindi magtatagumpay.

Her Rhabdomyolysis was caused by her Malignant hyperthermia na galing naman sa general anaesthetic procedures na ginawa namin sa kanya.

Nagkanda-loko-loko ang lahat.

Binalak pa ni Gusher na itakas si  Cryanna.

Pareho silang hindi nagtagal. Nabugbog nang todo si Gusher at hindi siya kaagad nakapagpaopera kaya nawalan siya ng maraming dugo sa ulo. Si Cryanna naman ay tinitiis nalang pala ang mga sakit niya noon at matagal na ding nahihirapan.

"Sir, nandito na po siya." The nun smiled at me.

Kung hindi kinaya ng katawan ni Cryanna ang procedures, maaaring hindi rin ito kayanin ng iba. Pero hindi ko susukuan ang proyekto.

"Pakifill-up-an nalang po itong form at pakipirmahan ang mga adoption papers. Ano pong ipapangalan niyo sa kanya?" Tanong ng madre.

I looked at the child.

"Cryanna. I'll name her Cryanna Sentinel."

—End of Desolated Cryosphere

Desolated Cryosphere (Postponed Revisions)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon