Third person pov.
Ang laki masyado ng mundong ito, ang mundo ko. Gusto kong hawakan ang bawa't bato, yakapin ang bawa't puno, pero hindi ko kaya dahil nadadala ako sa tinig ng mga iba't ibang boses na humihila sa aking puso at hindi ko alam kung alin ang susundan ko. Nakakatakot ang katotohanan na marami pang mga lugar na hindi pa natatapakan ng aking paa, marami pa akong hindi alam, marami pa akong hindi nakikita.
Pero minsan, ang katotohanang ito ang nagpapatibok sa aking puso, at nais kong pasukan ang lahat ng mga pintong bumubukas sa harap ko,
nais kong mahalin ang lahat ng taong dumadaan sa buhay ko, nais kong maranasan ang lahat ng pwedeng maranasan ng isang immortal na katulad ko.