Chapter 1

68 12 4
                                    

Mom and Dad

Fantine

"What?!" Pagkagulat ni Trisha sa sinabi ko.

"Oo ganun na nga ang nangyari. Ang shitty 'di ba?"

"Duh. It's romantic bruh," epal na sagot ni Alice, ang best friend kong mataray.

Binatukan ko si Alice at agad naman niya akong sinapak sa mukha. Gosh my make-up! Kaka-retouch ko lang don't she see? Damn her.

Si Trisha tawang-tawa lang sa aming dalawa at kain ng kain ng cheap donuts mula sa canteen. Class hours is almost over at nasa grounds na ang karamihan para mag-flag retreat. Ewan ko ba bakit tuwing Tuesday ang flag retreat sa school na'to. Sobrang init 'pag alas-dose na at tapat na tapat pa ang araw sa aming lahat. Habang ako heto, hindi pa rin maka-move on sa nangyari kanina.

"Ang yabang nya kasi eh. 'Wag talaga siyang magpapakita sa'kin kundi lagot talaga siya," mangiyak-ngiyak kong sabi.

Nakapila na ang buong Humss-Comte and other sections and tracks like TVL-Cookery and ICT. Ang weird students ng Stem ay nandito narin, while ang Abm-Chairman ay wala pa. Ang tagal naman nina Peter, miss ko na sya eh. Although feeling ko nag-cheat ako sa kanya because of what happened, syempre ang puso ko nasa kanya lang through the years.

"Umayos na po tayo ng pila, senior high. Magsisimula na po tayo," pag-announce ni sir Brent sa mic.

Dumating na ang lahat ng section ng Abm pero hindi ko parin nakikita si Peter. Naka-align na ang lahat, nasa kaliwa ang lalaki namin at ang nasa kanan naman namin ay ibang section na Abm din. Malayo ang tingin ko ng biglang may bumato sa akin ng pebble, at saktong-sakto pa sa ulo ko. Medyo malaki at malakas ang pagbato sa'kin ng pebble kaya naramdaman ko.

Lumingon ako agad sa likuran ko. Ang lahat ay nagdarasal na at nakayuko, maliban lang sa lalaking shitty talaga. Si mister manyak feeling close na sa'kin agad.

Kinindatan niya ako at saka ngumiti ng nakakaasar. Akala naman niya ikinagwapo nya. Well, oo aaminin ko, he's gwapo, pero that doesn't mean he's hot and sexy and more better than my Peter. He's no way better than him noh.

Sinimangutan ko siya at saka ako kumuha ng isang malaking pebble sa paanan ko. Nagkakalat kasi ang pebbles mula sa pinagandang garden ng school. Pinatapos ko muna ang prayer bago ko binato ang pebble.

"Tchhh!" He reacted with a pain on his nose.

Nagulat ang mga kaklase ko at ang Abm students sa pagbato ko kay mister manyak. Huwaw naman, nakuha niya pa ang simpatya.

Mabuti nalang at hindi napansin ng teachers.

He was siguro three persons away from me. Pero nagulat ako when he talked to the guy na katapat ko and then made switching. Damn him. Magkatapat na kami. Nakakainis it's so awkward!

"Hi miss OA," he blinked his eyes right through me.

Ngumisi ako at tiningnan siya ng masama. Ang mga kaklase kong babae ay naririnig kong nag-rereact sa ginawa ni mister manyak.

"What the hell is happening? Cody is switching places just to talk to that Fantine? Yuck."

"Ang pogi talaga ni Cody Nicolaus!!! Wet na wet na'ko!"

"Nakakalaglag panty!"

"Parang sobrang gwapo naman ni Cody para kay Fantine hindi tuloy sila bagay. Eww."

I feel so ashamed sa lahat ng mga sinasabi nila. Bakit ako nadamay? Wala naman akong ginagawa. At saka, ang sama-sama kaya ng ugali niya? Pero teka, kilala na siya ng mga kaklase ko while I'm here, not knowing this terrible guy who stole a kiss from me? How come?

Fall For You [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon