Tutor
Fantine
Hindi ko inaasahan na ganito pala maging isang senior high. Naalala ko noong mga grade eight palang ako, akala ko napakahirap maging senior high. Ngayong nararanasan ko na, nagkamali ako. Dahil sobrang hirap pala! The tension, pressure coming from the teachers, tambak na gawain, sunod-sunod na deadlines ng projects I don't know what to do. Isama mo pa ang mga walang naiitulong na groupmates mo pagkatapos ay makakakuha ng mataas na grades na hindi nila deserve. How cruel this life. Ayoko ng mag-aral! Joke. May roleplays pa kami.
"Wala namang magiging proud sa grades ko kung gagalingan kong mag-aral. Mas mabuti ng gan'to, chill lang kahit ang daming gawain. Para hindi na'ko magsisi sa huli dahil napunta rin sa wala ang pinagpuyatan ko. Ang pinaghirapan ko."
It's been four weeks mula noong naging close kami ni Peter. Hindi ko rin ito inexpect. I didn't wish for it either. Sa pagkakatanda ko, hindi ko naman ginayuma si Peter. So, I'm innocent. Kaya naman sobrang saya ko.
"Fantine nag rebyu ka na?" Tanong ni Hillary sa'kin. Luminga-linga ako sa paligid at napansin kong tutok ang lahat sa kaniya-kaniya nilang libro.
"What the fudge ano bang meron?"
Nagulat ako sa malakas na tunog mula sa harapan.
"Okay good morning class," bati ni ma'am Mendoza, our earth and life science teacher.
Bumati ang lahat pero nakatutok pa rin ang kanilang mga mata sa mga libro nila. But not Cody. Cody is standing with confidence. Fuck this. I forgot again! May chapter test kami ngayon sa earth and life!
"Before you sit-down, make sure that the chairs are properly arranged. Hiwa-hiwalay po ang seats natin and then bring out one lengthwise sheet of your yellow pad paper. Faster!" Utos ni ma'am.
Fantine, how could you forget? Nag-alarm ka pa nga kahapon because of the test! Damn. Wala pa kasi akong tulog. Shit. Wala ring laman ang utak.
"Number one," nagtama ang tingin namin ni ma'am Mendoza. Pakiramdam ko'y hindi maganda ang nararamdaman niya sa'kin. Palagi kasing bagsak ang seat works ko sa kaniya. "Ms. Quintos, make sure you'll give me a perfect score today..."
Napalunok ako sa sinabi niya. May halong nginig ang pagtango ko sa kaniya. My hands are wet, pasmado na rin ata ako. Tumulo na ang pawis sa mukha ko.
Tiningnan ako ni Cody. He was serious. Ibinaling na muli niya ang atensyon niya sa papel nang magtanong muli si ma'am.
"What is the most accepted theory about the existence of the universe?"
Damn it. Kahit ang mismong pinaka madaling question ay nasa dulo ng dila ko ang sagot. Bi--big ano 'yung second word? Aish.
"Okay exchange papers." Mabilis kong ipinalit ang papel ko kay Cody para matapos na ang paghihirap ko. Nang makita ko ang mga sagot ni Cody ay nakaramdam ako ng frustration.
"Matalino ka nga talaga," I started the conversation between the two of us. Matagal na rin kaming walang kibuan. I don't know exactly why. Wala rin naman akong dapat sabihin sa kaniya. It's better if we remain like this. "Perfect mo nanaman ang test..."
Tumikhim siya sa sinabi ko. Ipinakita niya sa'kin ang isang papel na katulad na katulad ng sulat ko. Ang mga sagot niya ang nakalagay doon. What the hell is this?
BINABASA MO ANG
Fall For You [On-hold]
Teen FictionFantine Suzette Quintos is a rich, famous, and beautiful but very braggy and maarteng student of Realland Center High. Living in a huge mansion with her aunt, drivers and maids, all she wanted was a simple life with her missed and beloved parents in...