Ipis
Cody
"Kuya, maghintay na lang po kayo riyan sa labas," utos ko sa isa sa mga bodyguards ko.
"Okay po sir..." Sagot nito.
Pumasok na'ko sa elevator na kanina pa nakabukas. Ito kasi ang sinasakyan ko para makauwi sa bahay. My house.
I have my own penthouse na malapit sa Realland para less hassle. Ito ay dahil ayokong may kasama ako sa bahay. This one is large, and very classy. Hindi naman dahil ayokong makita ang mga relatives ko. It just that I don't feel getting along with them.
Isa pa, maliban kay uncle Vernon at auntie Klio na ngayo'y nasa Pinas na ay wala na'kong ibang kamag-anak na Tolentino. All of them are Real na, including my cousin, Peter.
Linggo ngayon and tonight is the night para sa dinner na inihanda ng mga Reyes. Napangiti ako sa kawalan nang maalala ko ang hitsura ni Fantine. Talagang nagulat siya na kami ang incorporators? Mukhang wala siyang pakialam ah at hindi niya pa alam kung hindi ko sasabihin. Well then, I'll see her in thirty minutes.
Naligo muna ako sa bathroom atsaka nagbihis ng pormal. Argh. I hate wearing formal attires. Ewan ko pero nakokornihan ako. Mas gusto ko pa ang summer outfits kaysa rito.
"Cody we are waiting for you. Nandito na kami sa labas ng penthouse mo," boses ni auntie Klio ang narinig ko mula sa isang speaker. Hindi ba sila makapaghintay?
"I'll be there. Just wait. Kabibihis ko lang."
I'm wearing a white polo inside and a black coat outside. Necktie and black slacks. A black shoes as well.
Sinimulan ko ng ayusin ang buhok ko. Madali lang ito dahil manageable naman using wax. Perfume, a watch and I'm done!
Sumakay na muli ako sa elevator para bumaba sa ground floor. Wow. Ganito kami karami. Well I know na kasama namin ang ibang farmers. About ten or fifteen of them ata. I don't know.
Habang naglalakad ako papalapit kina auntie ay nakikita ko na ang iba't ibang mukhang nakangiti at bumabati sa akin. I smiled back at them. But knowing my smile isn't as genuine as them makes me want to turn away instead.
"Greetings po," magalang kong bati.
"Ah ito na ba ang anak nina Jacobe at Zenaida?" Pinisil pisil ako sa braso ng isang matandang lalaki. "Ang laki laki na pala," hinawakan niya rin ang mga pisngi ko.
Nakakatuwa ang mga taong kakilala o nakakakilala sa aking mga magulang. They are still supporting them. Na parang tatakbo sila sa eleksiyon. Na parang nararamdaman pa rin nila ang presensiya nila.
"Nakakamiss ang mga magulang mo hijo..." Umaalon ang kaniyang boses dahil na rin sa edad niya. "Napakabuti nila," dagdag pa nito.
"Ah uncle let's go!" Pagtawag ko kay uncle Vernon para matigil na ang pagkahumaling niya sa'kin.
Hindi naman sa ayaw ko pero pagdating sa mga magulang ko, wala akong laban. Please, kung pwede lang, let me take a break. A break off them.
"Okay sige sakay na!" Sagot niya.
Sumakay na ang lahat sa isang limousine. What the hell. So uncle Vernon is our chaffeur for this evening. Drive us know instead!
All black ang kulay ng limo mula labas hanggang loob. Ang mahabang upuan nito ay gawa sa leather na parang chesnut brown ang kulay. I wonder where did my uncle bought this. Kung ganito kalaki ang kita ng Cafe Lenti ay 'di ako magdadalawang-isip na simulan na ang paghahanda bilang CEO in the near future.
BINABASA MO ANG
Fall For You [On-hold]
Teen FictionFantine Suzette Quintos is a rich, famous, and beautiful but very braggy and maarteng student of Realland Center High. Living in a huge mansion with her aunt, drivers and maids, all she wanted was a simple life with her missed and beloved parents in...