My Person
Fantine
"Mabuti nalang at P.E namin ngayon...kundi...the struggle is real," bulong ko sa sarili ko habang nag-reretouch ng cheek and lip tint.
Pagkatapos kong isuot ang isa sa mga shirts na binili para sa'kin ni Peter sa dressing room, dumiretso na'ko papunta sa classroom. Mabuti nalang at nagdala ako ng isa. Medyo masakit pa rin ang ulo ko dahil sa pangyayari at feeling ko anytime babagsak ako lalo na 'pag nakita ko na ang mga mukha ng mga lecturers namin. Huwag na muna silang mag-lesson please?
"Fantine, okay ka na ba?" Pagsalubong sa'kin ni ma'am Valdez.
Ngumiti ako't binati siya. "Ayos lang po ma'am..."
"Ahhh oh sige, punta ka na sa classroom niyo. Huwag ka na pala mag-alala kasi nakausap ko na ang mga nambully sa'yo kanina. Hindi ko lang maipaliwanag kay Mildred na isang lalaki lang pala ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon," aniya.
Yumuko ako at bahagyang umiling. Iniangat ko muli ang ulo para tumingin at magsalita kay Mrs. Valdez. "Hindi ko rin po alam..." Bumuntong hininga ako. "Ah si Peter po? Nakausap niyo po ba?"
I was expecting na kasama siya sa usapan dahil syempre, siya ang ugat ng pangyayari. Siya ang kinababaliwan ni Mildred kaya niya nagawa iyon sa'kin.
"Oo. Ipinagtanggol ka niya. Sinabi niyang nagkaroon lamang kayo ng friendly date after school..."
Kinilig naman ako sa sinabi ni ma'am. Friendly DATE talaga? Hihi.
Humagikhik ako ng medyo pabebe sa sinabi ni ma'am. "Gano'n po ba?"
"Tama ba? Anak, iwasan niyo muna iyon. Hindi naman sa pinagbabawalan kitang makipagkita o makipagkaibigan kay Mr. Real pero---" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang tumango tango na'ko.
"Naiintindihan ko po ma'am. Salamat po,"
Tapos na siguro ang oras ni ma'am. Salamat naman at hindi na'ko napasama sa usapan nila. Hindi na hiningi ang salaysay ko dahil alam nilang inosente ako sa nangyari.
Nasa hallway na'ko nang makita kong nakaabang sa tapat ng pinto namin si Peter. Nang makita niya ako ay kaagad siyang pumunta sa gilid kung nasaan ako ngayon. Nakangiti lamang siya habang lumalapit.
"Mabuti naman at maayos ka na," bati niya.
"Ako pa ba?" Nakangisi kong sabi. "Kamusta ka naman?"
Napansin ko ang pagtataka niya. "Ako ang dapat magtanong sa'yo niyan, Fantine."
Oo nga kasi naman Fantine pigilan mo nga sarili mo!
"Inaabangan ko ang pagpasok mo. Nag-alala kasi talaga ako. Lalo na't ako pala ang dahilan ng lahat ng niyan. Pasensya na kung wala man lang akong nagawa kanina..."
Umiling ako't ngumiti. "No, Peter. It's okay. Ayos lang ako. Hindi naman ako kayang patayin ni Mildred. Kahit papaano ay may kabaitan din 'yang pasaway na girl na'yan. Huwag mong sisihin ang sarili mo,"
Tumikhim siya. "Hanga ako sa'yo, Tine. Okay lang ba kung Tine nalang ang itawag ko sa'yo magmula ngayon?"
Omg! Oo babe! Oo babe! Tine is so adorable!
I grinned. "Nakakatuwa naman 'yan Pete. Ayos lang ba ang Pete?"
"Aba, oo naman!" His faced was a bit amused.
Hindi ako makapaniwala na nag-uusap na kami using the nicknames na ibinigay namin sa isa't isa. I can't believe this is happening now. Ayokong matapos ang usapan namin.
BINABASA MO ANG
Fall For You [On-hold]
Teen FictionFantine Suzette Quintos is a rich, famous, and beautiful but very braggy and maarteng student of Realland Center High. Living in a huge mansion with her aunt, drivers and maids, all she wanted was a simple life with her missed and beloved parents in...