Chapter 3

58 11 1
                                    

Classmate

Fantine

The Realland Center High School or mas kilala bilang RCHS is a prestige school na matagal kong pinangarap grade five palang ako. I'm always telling my mom and dad bago sila umalis na gusto ko doon mag-high school, kasi maraming good feedbacks sa pagtuturo kahit private at mahal ang bayad. Before, may grade seven to ten pa or Junior high pero ngayon kase ang main focus ng school ay ang Senior high, para kayanin nila ang lahat ng tracks: academic, arts and design, Technical Vocational and sports track but in the end, tanging ang academic and TechVoc lang ang kinaya nila.

Academic track has four strands: STEM, HUMSS, ABM and GAS. Ang TechVoc naman ay may ICT at Cookery. Each of them has three sections na may 30 students: 15 boys, 15 girls.

Humss-Comte is my section. Dito rin ang mga best frennies ko na sina Trisha Javier and Alice Cristobal. We've been best friends since 2013, panahong grade seven palang kami. Tulad ko at ng mga students dito sa Realland, they are rich kids. May pagkatamad nga lang sa pag-aaral, tulad ko.

Dumaan muna ako sa hallway ng third floor para ilagay ang dictionary kong dinala para sa oral communication in context subject sa locker ng buong humss.

Quintos, Fantine Suzette R. Fifth row #502. Kinabisado ko talaga 'yan sa isip ko para 'di ko makalimutan.

Kinuha ko ang susi ko at agad itong binuksan. Inilagay ko agad ang dictionary ko at pumunta na'ko agad sa aming classroom, room 304.

I opened our glass sliding door, at agad kong naramdaman ang lamig ng aircon mula sa room namin. All of my classmates are staring at me, which is nakasanayan ko naman na. Lahat sila kilala ko na kase wala namang transferee rito maliban kay...Mr. Manyak.

"Uy Fantine, buti 'di ka na-late," pagsalubong sa'kin ni Alice na tinutulungan akong ibaba ngayon ang aking bag.

"It's already 7 am siz," Ani Trisha na naglalagay palang ng cheek tint sa pisngi niya.

Hindi ako makasagot at nakatulala akong napaupo nalang sa seat ko bandang likuran, alphabetically arranged kase. Alternate ang pagkakaayos sa'min ni ma'am Valdez, ang adviser namin. Boy girl boy girl para maiba naman daw sa nakasanayang lalaki sa kaliwa, babae sa kanan.

"Ms. Quintos are you okay? Ms. Quintos?" Malapitang tanong sa'kin ni ma'am Valdez.

"H-huh? Bakit po ma'am?" Malumanay kong tanong.

"Nakatulala ka lang while you're classmates are greeting me. What's wrong hija?"

Aish. "S-sorry po ma'am," pagsagot ko. Kung bakit kase napaisip ako sa see you in our classroom ni Mr. Manyak eh. Kinakabahan talaga ako. Hindi ko siya maintindihan.

"Okay sige good morning ulit class," pagbati ni ma'am sa'min.

"Good morning ma'am." Sagot ng lahat. At sabay-sabay kaming umupo in our seats.

"Okay so since all of you know me na and are familiar to each other na, there is no need for pagpapakilala. Today, I would like to introduce to you what is humss. Does anyone of you really knows your strand na pinasukan?" Straight to the point na tanong ni ma'am.

"We've been busy distributing the books kasi 'di ba this past few weeks so ngayon lang talaga tayo nakapag-meet or nakapag-usap. So anyone?" Dagdag niya. "Sige na and then tomorrow, introduction naman sa subject natin,"

Humss. As I said before, nag-humss ako dahil nandito ang psychology na gusto kong kunin 'pag nag-college ako. In here raw kase, kailangan makapal ang mukha mo, kasi all you have to do is to communicate and to socialize.

Fall For You [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon