Chapter 6

33 8 5
                                    

Hero

Fantine

Pumasok akong dala ang ngiti mula kahapon. Ang saya-saya ko. Para ngang gusto ko siyang i-message ngayon sa messenger ko. How about 'kamusta ka babe?' is that alright? Hihi. Kinikilig talaga ako.

As usual, the grounds is filled of pakalat-kalat na students. May kanya-kanyang mundo ang bawat nilalang, while half of it are staring and looking at my grand entrance.

"Hi Fantine!" Bati ng isa kong school mate.

Maging ang mga grade twelve students ay nabighani ko na rin. Ang boys nila ay pinag-uusapan ako at nagtatawanan pa. Ang isa nama'y itinulak pa papalapit sa'kin.

Mabilis kong sinuklay ang buhok ko habang naglalakad gamit ang mga daliri ko. Inirapan ko nalang ang iba na alam ko namang plastic lang at nagpapakitang tao.

"Wow, nandito na pala ang pambansang ahas!" Napatigil ako sa pagsalubong sa'kin ni Mildred.

Nakatingin siyang diretso sa'kin. What the hell. Am I the ahas she is referring to? Nagkakamali yata siya.

"Asaan?" Luminga-linga ako sa paligid. "Ah, ito sigurong nasa harapan ko," ngumisi ako.

Alam kong naasar ko siya at napahiya. Paano kase nagmamayabang pa at hindi muna kinikilala ang kinakalaban. Pero, ano ba kasing problema nito sa'kin at mukhang ang init init ng ulo niya ngayon?

"You flirt!" Sigaw nito sa'kin at lumapit.

"What the hell is your fucking problem huh?" I sarcastically asked.

"Ano pa ba? Edi 'yang makati mong mukha!" Iritado niyang sagot.

"You just dated Peter yesterday!" Si Zandra.

"And you know what? We just heard he is so happy!" Isa pa itong si Bea.

What? Nag-init ang pisngi ko. Ramdam kong namula ito. He is happy? Parang sobra-sobra na'yon. My gosh Peter where are you? Save me from these bitches!

I chuckled. "Sorry ka nalang kase niyaya niya ako. Hindi ko siya pinipilit 'di gaya ninyo. Is that even an issue? It's just a lunch," umirap ako sa kawalan.

"Just a lunch?" Nagulat ako sa sinagot ni Mildred. His eyes were very furious. Ah no, she is very furious!

Sakto sa ulo ko ang pagbato niya ng isang medium sized na bato. Hindi ko napansin na kanina niya pa pala ito hawak. Sa sobrang sakit at lakas ng pagbato niya, nahilo ako at napaupo.

"Argh!" Ungol ko.

Napapikit pikit ako sa nangyari. Marami pa siyang sinasabi pero hindi ko na maintindihan. Ang mga tao naman sa paligid namin ay naririnig ko lang na nagtatawanan, ang iba'y nagunlatang at ang iba nama'y sumisigaw.

"P-peter..." Hindi ko inaasahan ang lumabas sa aking mga labi. I was calling Peter, hoping for his help katulad ng ginawa niya sa'kin noong pinatid ako ni Cody.

But he didn't came.

"Ano? Iyan ang bagay sa mga flirt na katulad mo."

I can't believe this. Hinawakan ko ang parte ng ulo ko kung saan tumama ang bato at nag-panic ako sa nakita kong dugo mula sa kamay ko. May du...go.

"Mil...dred..." I can still see her pero sobrang labo na.

"Kulang pa'yan,"

"Oo nga kulang pa'yan!"

"Tama, sobrang yabang kaya niyan!"

"Hetong kamatis para sayo Quintos!"

"Itlog para sa'yo,"

Fall For You [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon