two.

6.7K 171 153
                                    

Masayang naglilinis ng bahay si Jihoon, wala lang. Para sakanya walang dahilan para malungkot. Kapos na nga sila sa buhay, malulungkot pa ba sya? At isa pa kahit na kapos sila'y nakakakain naman sila ng tatlong beses sa isang araw kaya nagpapasalamat si Jihoon doon.



Kasama nya sa bahay si Yoongi, Suga kung tawagin ng iba. Ito lang ang natatanging kapatid nya. Sila nalang ang nag papaaral sakanila, sila nalang ang bumubuhay sakanila, wala na silang mga magulang dahil sa murang edad sila na ay naulila. Wala naman silang kamag anak para manghingi ng tulong, lahat ay nasa ibang bansa.



"Jihoon, aalis na ko ha? May inoffer na part time saakin si Pareng Rapmon sa talyer"




"Ahh sige hyung, maglilinis lang ako at mamamalantsa, wag kang mag papagabi ha?" bilin ni Jihoon sa Kuya nya. Yoongi ruffled Jihoon's hair while having a plastered smile on his lips.



Ang saya ni Yoongi, ang saya saya nya dahil kahit na mahirap lang sila nagpupursigi si Jihoon para makaahon sila sa kahirapan. Hindi katulad ng iba na mahirap na nga gastos pa ng gastos. Walang ibang ginawa kundi pasarap sa buhay.



Nang makaalis na si Yoongi, ay minadali na ni Jihoon ang paglilinis para makapagpahinga na sya. Mamamalantsa pa kasi ito ng uniporme nila dahil bukas na mag start ang class.



*ringgggggg ringggggggg*


Dali daling tumakbo si Jihoon sa lamesa kung saan nakapatong ang cellphone nya. Kahit na basag ang screen at madami ng gasgas sa likod, pinag ttyagaan nalang nya ito. Magagamit pa naman eh.





"Hello?"




"Mr. Lee, tanggap ka na po sa Carat University, nakapasa ka Jihoon"




"tALAGA PO?!"




"Oo, haha dalhin mo nalang yung pinadadala bukas at agad kang pumunta sa office, okay? ibigay mo kay Mr. Kwon yung mga papel at pwede ka ng pumasok"




"hALA!? SALAMAT POOOO!"




"Sige ibaba ko na. Congratulations Jihoon"




"Thank you po"




Nang ibaba ni Ms. Gina ang tawag ay agad napatalon si Jihoon sa tuwa. Ang akala nya kasi'y hindi tumatanggap ng scholar sa public school ang private university. But hey! Natanggap sya! Makakapag aral na sya with 70% less tuition.




Pagdating sa pag aaral nagsisipag talaga ang dalawa, dahil scholar lang ang hinahabol nila para makabawas gastos ang pag aaaral. Ayaw naman nilang tumigil dahil ang edukasyon ay mahalaga. At siguradong mahihirapan maghanap ng trabaho sa future ang mga walang natapos o hindi nakapag tapos.




"Nakapasa ako! Nakapasa ako! Omyghoul! Shet nakapasa ako!"





Hindi mapawi ang ngiti sa labi ni Jihoon hanggang sa dumating na si Yoongi na ang dumi dumi dahil nga nag trabaho sa talyer. Nang matapos syang maligo ay niyakap sya ni Jihoon. "Hyung nakapasa ako!"




"Hala?! mag papancit tayo Jihoon!"




"Hyung naman eh! Wag na! Gastos lang yun, atsaka nakapasa lang naman hindi pa graduated! HAHAHAHA"



"Eh kahit na! Malaking tulong narin yon no tsa—"



"Hyung naman, wag na. Magbubulakbol ako sige,"



Nanlaki ang mga maliit na mata ni Yoongi ng sabihin ni Jihoon yon. Agad naman na tumawa si Jihoon, pinag ttripan nya lang naman ito eh.



"Joke lang! HAHAHAHA seryoso mo kasi eh ang panget mo lang naman"



"Maliit ka parin naman"




"Ansabe daw ng height nyo ng jowa mo?"




"Aba'y ga— hOy?!?!! di ko jowa si Jimin?!"



"Oh wala pa kong sinasabing pangalan hyung! HAHAHAHAHAHA"



Matapos ng asaran nila, ay nagluto na ng makakain si Jihoon pagtapos ay namlantsa sya at nagpahinga. Pagtapos ay natulog na, inihanda na ng hyung nya ang kama nya. Hindi sila tabi matulog dahil may sarili silang kwarto.



Habang nakahiga si Jihoon ay di nya maiwasang mapatanong sa sarili nya.




"Magkakaroon kaya ako ng kaibigan? O ibubully lang ako doon dahil nagmula ang sa mahirap na pamilya? Hays. Sana magkaroon ako ng mga kaibigan"

fuck buddies • soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon