Simula ng malaman ni Jeonghan ang tungkol kay Jihoon at Soonyoung ay hindi na nya ito kinausap pa. Parang hangin lang ang presensya ni Jihoon at Soonyoung para kay Jeonghan. Agad naman itong tatanungin ng kabarkada nila dahil agad nilang napapansin ang tensyon na namamagitan ngunit sinasabi ni Jeonghan na wala lang ito. Kaya napapaniwala sila.
Biyernes na. At sa darating na lunes school fest na. Yet, hindi parin sila nag kakaayos ayos. Hindi parin kinakausap ni Jeonghan si Jihoon. Sinubukan na syang i-approach ni Jihoon kaya lang agad naman na lumalayo si Jeonghan.
Hindi rin naman natin masisisi si Jeonghan kung ganyan sya. Para kay Seungcheol, nasaktan sya. Nagulat lang rin sya at hanggang ngayon di parin sya makapaniwala na. . . ganun na pala katindi ang namamagitan sa dalawa.
Siguro mas matatanggap nya pa kung inamin agad ni Jihoon, hindi yung sya mismo nalaman nya.
"Kwan."
"Bakit smol hyung?"
"Samahan mo kong mamili ng damit bukas." sabi ni Jihoon. Napakunot naman ng noo si Seungkwan.
"Ano? Diba si Jeonghan hyung yung kasama mo?," tanong ni Seungkwan. "Yung totoo hyung. . . anyare sainyong dalawa? Bakit parang war kayo?"
Napatahimik si Jihoon. Syempre hindi nya sasabihin. Edi mas lalong nagalit ang dalawa diba?
"Oo nga hyung. Hindi nyo man sabihin pero kapansin pansin talaga." sambit naman ni Mingyu habang patango tango.
"Wala yun. May hindi lang kami pagkakaintindihan." malumanay na sambit ni Jihoon ay humalukipkip nalang sa kanyang upuan. Nagkibit balikat nalang rin si Mingyu at Seungkwan. Hindi na nila muna guguluhin si Jihoon.
"Hi mga bakla!" napaangat ng ulo si Jihoon ng marinig nya ang pamilyar na boses na yun.
Yoon Jeonghan
Napatingin naman si Mingyu kay Jihoon. Nanliit ang mga mata nya ng makita ang paraan ng pagtitig ni Jihoon kay Jeonghan. Para bang, may gusto itong sabihin kaya lang hindi nya masabi. Kita ni Mingyu ang pagyuko ni Jihoon habang malungkot ang mga mata.
Agad namang naunawaan ni Mingyu 'yon at agad na tumayo sabay hinawakan ang kamay ni Seungkwan. GyuKwan#
"Ahh. Han hyung, Ji hyung. Una na kami ni Kwan. May pupuntahan pa paka kami." sambit ni Mingyu napakunot noo naman si Seungkwan at bago pa sya makapag salita ay hinatak na sya palabas ni Mingyu.
Naiwan ang dalawa sa loob ng room.
Krooo... Krooo...
Aalis na sana si Jeonghan ng tawagin sya ni Jihoon pagtapos nitong bumuntong hininga.
"J-JEONGHAN HYUNG!" napatigil sandali si Jeonghan.
"J-jeonghan hyung. . . sana pakinggan mo ko this time." pag lalakas loob ni Jihoon. Nanatili lang nakatalikod si Jeonghan ngunit pinapakinggan nya parin si Jihoon.