"How do you tell someone you love, that everything about them makes you feel that you're not good enough"
"Jihoon inom ka muna, mamaya mo na ako kantahan." sambit ni Soonyoung at naglapag ng tasa ng kape sa tabi ng keyboard ni Jihoon. Kapwa na sila inaantok pero kailangan na nila matapos ang program, dahil kailangan na itong masubmit kinabukasan.
Isang linggo na nga pala ang nakalipas simula ng madischarge si Soonyoung sa hospital. Agad din naman syang bumalik sa trabaho dahil hindi sya ppwedeng mag pahinga.
Ilang araw nalang rin at mag sisimula na ang event. Malaking event ang gaganapin, mataas ang expectations ng mga tao rito dahil multi event ang gaganapin. Exhibition at ang pag i-introduce ng bago nilang project sa kompanya.
"Sinong nagsabing kinakantahan kita?" umirap si Jihoon bago tanggapin ang kape na nasa gilid nya. Pasado alas dose na ng hating gabi, at ito parin sila nagttrabaho.
Nabalot ng katahimikan ang dalawa. Tanging ang pag tunog ng keyboard lang ang naririnig. Ganun lang ang naging set up nila hanggang matapos ang ginagawa nila. Nang tumingin si Soonyoung sa orasan ay alas dose na pala ng madaling araw.
"Good Job, Ji. We need to take a rest na." sambit nito at nag simula ng mag ligpit. Kinusot naman ni Jihoon ang mga mata nya bago mag ligpit narin.
Sabay silang napahawak sa keyboard nya kaya naman natigilan sya't napatingin kay Soonyoung, "Ahh? Ji? Ako na dito hehe." napaatras nalang si Jihoon.
Ramdam nyang nag init ang mga pisngi nya sa sobrajg lapit ng mukha nila sa isa't isa. Ang dahilan? Hindi nya rin alam. Basta ang weird ng pakiramdam nya.
Bakit ba ang galing mo sa ganitong bagay, Soonyoung?
"Bakit ba ang hilig mong iparamdam saamin na mahalaga kami tapos iiwan mo lang kami basta basta?" natigilan si Soonyoung sa pag lalagay nya ng mga gamit sa box ng marinig nya ang sinabi ni Jihoon. Mahina, pero sapat lang para marinig nya.
"Nakakainis. Nakakainis kasi hanggang ngayon ginugulo mo parin ako." sambit nya, nakatalikod parin si Soonyoung sakanya. Nagulat ito sa biglaang pag sasalita ni Jihoon, hindi nya nga rin alam kung ano ang dapat nyang sabihin sa mga sinasabi nito.
"Naawa ako kay Seokmin, kaya tinutulungan ko syang magkabalikan kayo." napalunok si Soonyoung.
Ang akala nya kasi ang nagsasalita si Jihoon para sa totoong nararamdaman nya.
Ang akala nya kasi ay mahal na rin sya nito.
Napakamot sa ulo si Soonyoung. "Ah. H-Hindi mo naman kailangang gawin yun, Ji. It's not like your friends—"
"We're friends."
"Hm. Kahit na, hindi ko naman na mahal si Seokmin. Matagal ko ng sinabi sakanya 'yon." natahimik si Jihoon at nauna ng lumabas sa studio. Nang matapos si Soonyoung ay sinundan naman sya nito. Ngayon ay nag lalakad sila pauwi. Sa totoo lang, may kotse naman si Soonyoung na naka park sa parking lot, pero gusto nyang makasam si Jihoon.