"Pero Soonyoung, kailangan mong kumain."
"Hindi ako kakain hanggang hindi si Jihoon yung magpapakain saakin." pagmamatigas ni Soonyoung, nakakrus parin ang kanyang mga braso habang nakaupo. Si Seokmin naman ay nasa tabi nya habang hawak hawak ang kutsara na may lugaw.
"Eh nandito naman ako, bakit iba parin hinahanap mo?" tanong ng nakababata. Syempre nasasaktan parin sya dahil malinaw naman na si Jihoon ang gusto nito. Pero ayaw nyang paniwalaan kahit sya na mismo ang nakakahalata. Ayaw nya paniwalaan kasi ayaw nyang saktan ang sarili nya.
Bakit nga ba kasi hahanap ng pangalawa kung mahal nya talaga yung una?
Sa totoo lang, gusto mang palakasin ni Seokmin ang loob nya, may isang bagay parin ang pilit na humihila sa confidence nya. Yun ay si Jihoon. Napalingon si Seokmin sa pinto ng magbukas ito, speaking of Jihoon.
"A-ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Jihoon. Habang inilalapag ang hawak nyang basket ng mga prutas sa maliit na mesa sa gilid na katabi ng bintana.
"Bakit nakakulob ka rito? Dapat nagpapaaraw ka." sambit ni Jihoon at tinali ang kurtina at binuksan ang bintana, na dahilan ng pagpasok ng sinag ng araw sa ķwarto ni Soonyoung.
Basta si Jihoon alam talaga kung ano ang makabubuti kay Soonyoung. Malapit ko na ba syang makuha ulit?
"Hyung, ayaw kumain ni Soonyoung." pagputol ni Seokmin sa usapan ng dalawa. "Huh bakit? Kumain ka dapat Soonyoung, pano ka lalakas nyan?
Magsasalita na sana si Soonyoung ng may kumatok sa pinto ng room nya. Kaya dali dali naman pumunta si Jihoon para buksan ito.
"Jihoonie."
". . ." napatahimik si Soonyoung ng makita nyang nagyakapan ang dalawa sa harap nya. Sa harap nya pa talaga.
"A-aray aray... ang sakit." napahawak si Soonyoung sa ulo nya habang nakapikit ngunit sinisilip nya parin naman si Jihoon kung lalapit ba ito.
"Anong nangyayari?" tanong ni Seokmin at dali daling ibinaba ang hawak nyang lugaw. Si Jihoonnaman ay napatakbo din sa tabi ni Soonyoung.
"Ang sakit kasi ng ulo ko. . ." pagdadahilan ni Soonyoung at hinawakan ang mga kamay ni Jihoon na nasa temple ni Soonyoung.
"Ako na dyan." sambit ni Seungcheol na ikinainis naman ni Soonyoung. Wala syang nagawa ng umalis si Jihoon at hinayaan si Seungcheol na hilutin ang ulo sentido nito. "Wag kang magalala soons, magaling magmasahe si Seungcheol hyung." sambit ni Jihoon habang pinapanood ang dalawa.
Sa totoo lang, hindi naman talaga masakit ang ulo ni Soonyoung. Gusto lang talaga nyang lumapit si Jihoon sakanya. Pero dahil dakilang epal si Seungcheol. Kaya wala rin.
"Kamusta na ba pakiramdam mo Soonyoung? Naikwento sakin ni jiji yung nangyari." napapikit naman si Soonyoung habang minamasahe ni Seungcheol ang sentido nya.