Noong una kitang makita
Ako ay napuno ng hiya
Isip ko ay di mapakali
Makausap ka'y di madali
Nang ikaw ay kasama na
Ako ay natataranta
Para akong nahihibi
Ewan ko ba sa'king labi
Ikaw ay naging kaibigan na
Ngiti'y araw araw nakikita
Pagka torpe'y lalong lumalala
Ngunit 'to'y di pinapahalata
Ngayon ay pinaparamdam sayo
Pag ibig na aking tinatago
Pag amin sayo'y puno ng kaba
Kahit alam kong walang pag asa
BINABASA MO ANG
Tula ni Jiro
PoetryYou cannot Change Other people but you can inspire them through your Goodness to be a better person.
