Tula #19

1 0 0
                                    

Di ko alam kung paano
Paglapit sayo'y laging humihinto
Kaba ko'y laging katabi
Hiya kong kita sa aking labi

Gusto kong ipagsigawan
Aking nararamdaman
Ngunit ako lang ang may kagustuhan
Kaya akin na lamang dinaramdam

Sana ako na lamang
Pag ibig mo'y mag may ari
Ngunit hanggang sa isip na lang
Makamtan ka't mahagkan

Luha ko na laging umaagos
Sa pagkasawi ko'y di mairaos
Tuluyan ka na nga bang lilimutin
O aasa pa sa puso mong lamigin




Tula ni JiroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon